"Anong sinabi mo Sebastian?" Tanong sa kanya ni Scarlett matapos niyang panindigan sa Daddy nito. "Pakakasalan mo si Scar?" Tanong ni Mr. Torres sa kanya. "Sebastian ano ba ang sinasabi mo?" Tanong naman ng Mama niya. Nabigla lang siya sa salitang kasal. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang salitang iyon. Ang nasa isip lang naman niya ay ang mapanagutan ang nangyari sa kanila ni Scarlett. Ganoon pa man nasabi na niya kaya handa na niyang panindigan ang ano mang lumabas sa bibig niya. "Kung ganoon, may nangyari na sa inyo ng anak ko?" Asik na tanong ni Mr. Torres sa kanya. Napalingon siya kay Scarlett na nagyuko ng ulo. "Sebastian, sumagot ka sa Tito Edward mo!" Utos ng Mama niya. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagtaas ng mukha. Tumingin ng deretso sa Daddy ni Scarlett.