Tinawag niya ako ngunit huli na ang lahat dahil umalis na ang bus at wala akong ibang nagawa kundi ang lumingon sa kanya. Nang makaupo na ako, kaagad kong tiningnan ang aking cellphone kung may mga messages ba ako galing sa kanya. Bakit wala?” Paulit-ulit kong ni-restart ang aking cellphone ngunit wala talaga. Hay, napabuntonghininga ako habang nakatanaw sa labas dahil muli na naman akong umasa kahit konti. Siguro, napansin lang niya ako kanina kaya tinawag ako, assuming naman ako masyado. Malalim na ang gabi kaya malamig na rin ang ihip ng hangin. Sinubukan kong isara ang bintana dahil nanlalamig na kasi ang aking pisngi. Kumunot ang aking noo nang hindi ko kayang isara. Sira yata, naisip ko. “Kuya, pa-assist naman please,” tawag ko sa konduktok nang dumaan sa aking tapat. Tumango l