Isang araw akong naghintay na balikan ako ng kakilala kong abogado at nang hindi dumating ang kanyang response ay naisipan kong humingi ng tulong kay Lorena. At least sa opisina kasi ay maraming tao doon na posibleng may kakilang abogado na pwedeng mag-handle ng aking kaso. Hindi ako nagkamali dahil may kakilala pala si Levi pero bahagya akong nabahala kasi kilala ko naman si Levi at medyo pasaway ito. Duda ako na pasaway din ang kakilala nito at nag-alala ko na baka ma-scam lang ako lalo na at hindi naman ganun kalaki ang aking pondo. Tutal may number pa naman ako kay Levi, kaagad ko siyang tinawagaan, kaya lang ay hindi ko makontak ang lalaki. Nagtext na lang ako sa kanya na tawagan ako kung hindi na siya sa busy at habang hinihintay ang kanyang mensahe ay lumabas ako ng bahay upang