Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang katanungan ni Jestoni. “Salamat at pinatuloy mo kami rito kahit sandali lang pero aalis na kami,” sabi ko at saka bumalik sa loob upang kunin ang mga gamit namin. Pagkatapos ay tinawag ko si Marian at sinabihan na aalis na kami ora mismo. Tumango ito at kaagad na kinuha ang susi ng motorsiklo mula sa akin. Samantalang si Brent ay nakamasid lamang. Nang sinubukan niyang lumapit sa akin, kaagad ko siyang dinilatan pero ang kumag ay hindi man lang natakot. Lumapit pa rin siya at tinangka akong kausapin. “O anong tinayo-tayo mo diyan? Gusto mo bang masagasaan? Naku Brent ha, sinasabi ko sayo, mainit ang ulo ko ngayon kaya ‘wag mo akong susubukan!” “Kylie naman, eh. Nami-miss ko lang naman si Karla,” sabi ng lalaki. “Huwag kang mag-aala kasi hindi ko