Kinabahan naman ako sa kanyang ginawa. Inakaha ko kasi na hahalikan niya lang ako bigla, hindi naman pala. Pero bakit parang disappointed ako? Pagbalik ko, may dala na akong tubig at snacks para aming dalawa. “Alam kong ayaw mo sa may carbs kaya nagpahanda na ako kay Marian ng makakain mo.” Chicken salad lang naman ang ihinanda ni Marian ngunit natuwa na ang lalaki kaya masaya na rin ako. “Salamat pero mamaya ko na ito kakainin,” sabi niya habang itinabi sa gilid ang chicken salad na nakalagay sa isang microwavable container. “Ayyy unfair naman kung gano’n, baka masabihan mo pa akong malakas lumamon.” “Hindi kasi ako makakain ng maayos kapag galing ako sa pag-iyak. Isa pa, hindi mo pa sinagot ang tanong ko kanina,” paalala niya sa akin habang pasulyap-sulyap sa suot nitong rel