Medyo napahiya ko do’n sa part na ako pa talaga ng nag-isip ng masama. Gusto lang pala nitong manood ng telebisyon pero ang isip ko ay napunta kaagad sa chukchakan. My god, kaagad akong nagbaba ng tingin habang siya naman ay tawang-tawa sa nangyari. Nang makabawi na ako, may naisip akong ipagawa sa kanya. “Hmmm Jericho, patingin naman ng mga daliri mo,” sabi ko sa kanya at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Well, isa lang talaga ang masasabi ko. Hindi pa niya ako lubusang kilala at hindi ako papayag na maisahan. “Bakit?” Nagtanong siya. “Basta lang,” sabi ko. Akala ko ay hindi siya papayag sa gusto kong mangyari. Akala lang ‘yon kasi pumayag din naman ito sa huli at inilahad sa aking harapan ang kanyang kamay. Nabanggit kasi nina Lorena at iba pang kaibigan na kapag mahaba raw ang dali