Sumigaw si Aika nang mahawakan ko ang kanyang buhok at posibleng narinig ito ni Brent dahil bigla na lang sumulpot ang lalaki sa aking harapan. Nagpang-abot ang makapal nitong kilay at puno ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sa akin pa talaga siya galit? Wala na yatang mas kakapal pa sa mukha ni Brent, eh! Ewan ko ba kung bakit nahulog ang loob ko sa lalaking iyon noong unang panahon. “Hindi ba at malinaw naman ang usapan natin kanina na huwag na huwag mong bastusin itong bahay natin, ano’ng ginawa mo? Dinala mo rito ang kabit mong mukha namang ewan!” “Nagkita kayo kanina?” Sumali sa usapan si Aika ngunit kaagad ko siyang binara. “Tumahimik ka Aika kung ayaw mong masampal kita ng left at right,” binalaan ko siya at mukhang masunurin naman ito. “O ano Brent, umalis n