Bago pa man magiging kumplikado ang lahat sa pagitan namin ni Brent, ako na lang ang nagparaya at umalis pero binalaan ko silang huwag masyadong bastusin ang bahay. Hindi rin ako pumayag na saka na lang ako babayaran kapag maibenta na ang bahay. Siguro noon ay isa akong dakilang tanga ngunit nagbago na ang pananaw ko sa buhay simula nang makilala ko si Jericho. “Umuwi na tayo,” sabi ko sa aking mga kasama. Kay Jericho pa rin ako sumakay at si EJ naman ang nagmaneho ng isa pang motor. Malayo na kami sa bahay nang biglang tumigil si Jericho. “Bakit?” Tinanong ko siya dahil kinabahan ako. Hindi kasi matao ang lugar eh. “May problema ba, bro?” Nagtanong din si EJ nang maabutan kami. “Mauna na kayo at may titingnan lang ako sa motor. Mukhang may problema, sige na.” Inutusan ni Jericho ang k