Nang makauwi kami ni Jericho, umalingawngaw sa utak ko ‘yong tanong niya. Ewan ko ba kung bakit tumatak iyon eh simple lang naman ang katanungan niya. “Yani, noong magkasama pa kami ni Brent, masaya ba talaga ako no’n?” Hiningi ko ang opinion ni Marian kasi siya ang lagi kong kasama noong mga panahong iyon. “Sa totoo lang ay ewan ko. Pero napansin ko na sobrang effort mo do’n sa tao. Naiinis na nga ako sayo dati eh kung bakit gano’n ang istilo mo, parang mama sang ang dating.” “Hoy grabe ka naman, mama sang talaga?” “Oo at hindi lang ako ang nakapansin no’n kundi pati na rin ng ibang tao. Bigay-todo ka sa lalaking iyon eh hindi naman nag-effort para sayo. Akala ko nga noon ay tatanga-tanga ka,” dagdag pa ni Marian. “Minahal ko lang talaga siya ng sobra,” sabi ko. “Hindi pagmamahal