Siguro ay natakot din ang ahas sa aking pagsigaw dahil kaagad itong umalis mula sa aking braso. Sa totoo ay kinilabutan ako ng husto kaya nagmadali akong lumabas upang makaligong muli. “Kylie, sandali lang!” Tawag ni Jericho sa akin. “Sandali lang,” sabi ko sa kanya. “Nakahubad ka!” Mahina man ang kanyang boses ngunit narinig ko naman iyon at higit sa lahat, napansin ko rin naman ang paraan ng pagtitig niya sa akin. “Oh my God!” Napasinghap ako habang tumalikod ngunit huli na ang lahat. “Nakita mo na, eh,” sabi ko habang nagmadaling kumuha ng tubig ngunit bago ko pa man ito maibuhos sa aking ulo ay itinapo na niya sa akin ang tuwalya. “Baka may makakita sayo,” sabi niya. Tama naman siya kaya kaagad kong binalot ang aking basang katawan sa tuwalya at sinundan ang lalaki papasok sa ba