Sinabi ni Jericho na magpahinga na muna kami dahil panigurado na mamaya pa darating si Masha. Iyon ang akala niya kasi hindi pa nga kami nakarating sa mga silid namin, narinig na namin ang boses ni Masha sa labas ng bahay. Sabay kaming nagtungo sa may bintana upang dumungaw at iyon, nasa baba nga si Masha at may dala itong manok sa isang kamay at mga gulay naman sa kabila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa dalagita. “Ang lakas talaga ng tama niya sayo,” sabi ko kay Jericho at inirapan lang niya ako. “Tumigil ka na at baka hindi mo na naman makontrol ang pagseselos mo sa akin,” sabi ng lalaki. “FYI, hindi ako nagseselos. Sinabi ko lang na hindi kayo bagay,” sagot ko. “Hindi ba?” “Nananadya ka ba talaga? Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong makita kasi p’wede naman akong