Dahil sa itinanong niya sa akin ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako at kaagad na nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Paulit-ulit akong napabuntonghininga dahil hindi nawala sa isip ko ang aming kasunduan. Nag level up na an gaming relasyon at may label na kami. Dapat akong matakot pero hindi ko mahagilap ang takot sa aking dibdib. Masaya ako sa totoo lang. “Jericho? Ang aga mo namang nagising!” Nagulat ako nang maabutan ko ang lalaki sa may kusina at kasalukuyan itong uminom ng black coffee. “Hindi kasi ako nakatulog ng maayos,” sagot ng lalaki. “Bakit?” “Ewan ko ba kung bakit balisang-balisa ako. Gusto kitang puntahan sa silid mo kagabi pero natakot ako na baka paaalisin mo lang ako,” paliwanag nito. “Pumunta ka sana, na-mi