CHAPTER 61

2358 Words

Pagdating namin sa sentro ng barangay ay nawili ako sa dami ng panindang naroon. Puno ng gulay ang talipapa. Hindi lang gabundok na gulay ang nakita ko kung hindi ay pati prutas na rin. Sa di kalayuan ay naroon ang display ng mga isda at nakita ko na medyo maraming tao na ang dumating upang mamalengke rin. “Doon na tayo sa may isdaan at baka maubusan tayo,” wika ni Jericho habang nag-parking ng dalang motorsiklo. “Napansin ko nga na maraming tao doon kaysa gulayan,” sabi ko. “Oo. Sawa na kasi sa gulay ang karamihan at isa pa, halos lahat naman ay may gulay sa bakuran. Gusto mo mag-ihaw tayo ng isda?” “At baboy na rin,”suhestiyon ko sa kanya. “Hindi kasi ako kumakain ng baboy pero p’wede rin kahi kaunti lang. In case na may lechon, iyon na lang kaya ang bilhin natin, okay lang ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD