“Mama, kamusta ka po?” unang bungad ni Hiro nang makauwi na kami ni Viro sa bahay. Niyakap ko siya nang mahigpit at tinadtad ng halik sa kaniyang muka sabay sabing, “Medyo hindi parin maka-get over sa nangyari nitong nakaraan. Pero huwag kang mag-alala . . . maayos na ang lahat.” Bahagyang bumitaw si Hiro mula sa pagkakahawak sa akin at mabilis na naglakad papuntakay Viro. Nabigla naman ako nang bigla niyang pagsuntokin ang kaniyang ama. “Anong nangyari? Hiro, itigil mo iyan,” suway ko sa kaniya. Nilingon ko si Papa na nakangiting nakatingin sa dalawa na nagsisimula nang maghahabolan sa loob ng bahay. “Pa, ano pong nangyari nitong nagdaang araw?” Tinapik lang ni Dad ang braso ko, saka ako hinalikan sa aking ulo. “Marami nangyari, anak. Your son, Hiro, was very worried about you. Ang i