KINABUKASAN, nagising ako mula sa aking pagkakahimlay nang makaramdam ako ng pangangawit sa aking likoran. Bahagya akong umusog sa kaliwang banda ng aking hinihigaan upang maibsan nang kaunti ang pangangawit ko. Sa sobrang gulat at pagkakabigla, antimano akong napadilat ng aking mga mata nang mahagip ng aking paningin ang mukha ni Viro na ’di kalayuan mula sa akin—na mahimbing na natutulog sa gilid ng aking hinihigaan. Sandali ko siyang pinagmasdan nang tahimik. Mukha siyang pagod na pagod. Bakas sa kaniyang hitsura ang ilang gabing walang maayos na tulog. Namamayat din siya, sa aking paningin. At tila mas malusog pa sa aming dalawa, ang kaniyang mga eye bags. Nakakapanlumo lang. Kasalanan ko kung bakit kami nagkakagulo ngayon. Kung hindi lamang ako nagpapadala ng aking emosyon, tiyak w