HAVIANA KAEDE'S POV “Baliw, kailangan na nating umuwi. Dalawang araw na ako rito. Maniwala ka, maayos na talaga ang pakiramdam ko!” inis kong sambit sa kausap kong hudas. Dalawang oras na akong naka-confine dito sa ospital. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya wala akong contact kahit kanino. Tiyak na nag-aalala na si Hiro ngayon. Totoo namang maayos na ang pakiramdam ko. Sadyang napaka OA lang nitong kasama ko at ayaw akong paniwalaan. Umupo pa siya sa tabi ko kahit alam niyang good for one person lang itong kama. Minsan talaga hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin namin dito sa ospital. Aalagaan niya ba ako? O siya ang magpapa-alaga sa akin. “Huwag ka na lang kaseng pumalag diyan. By the way, are you hungry? Ibibili kita,” wika ni Viro. Hindi siya nakatingin sa akin dahil abala ito