Umurong ang aking dila habang malugod na naabot ng presidente ang mga papeles, sa akin. Naglalaman ito ng mga gantimpalang kaniyang nais na ibigay para sa aking sarili at sa pamilya ko. Hindi ko mapigilan ang manginig sa kaba. Nang buksan ko ang envelope na pinaglalagyan ng mga papeles, bumungad sa akin ang malaking halaga na mga gantimpalang ipinagkaloob niya. Kalakip na gantimpalang ibinigay ng pangulo sa akin ay ang mga sponsors na galing pa sa iba't ibang mga departmento ng gobyerno. Masyado itong malaki upang tanggapin ngunit ayaw ko namang tanggihan ang kabaitan ng presidente. Siya na nga mismo ang nag-effort na pumunta sa aming lugar, kaya wala akong maidadahilan kung sakaling tatanggi ako. Malugod kong tinanggap ang kaniyang alok, at pinasalamatan iyun nang husto. Tuwa, pangang