Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 34: Ang Apat na Hari "Magandang umaga, ang bati ni Jorad noong kapwa namin imulat ang aming mga mata. Hindi naman ako sumagot, yumakap ako sa kanya at idinantay ang aking binti sa kanyang hubad na katawan. Hihirit pa sana ito ng isa pa ngunit maga na ang aking butas kaya ayoko na rin siyang patulan sa kanyang kapilyuhan. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko ang ganoong bagay. "Sumama ka mamaya sa pagpupulong," ang wika niya. "Pagpupulong? Para saan? Kung kasasangkutan iyan ng mga Miryoku ay mabuti pang magtago na lang ako kaysa lahat tayo mapahamak pa," ang wika ko naman sabay bangon pero hinila niya ako at muling niyakap. "At saan ka naman pupunta?" tanong nito. "Maliligo, maglilinis ng katawan dahil ang lagkit ko na, hindi ako pupunta sa pag