Part 10: Bihag ng kalungkutan

2010 Words
Crimson Bullet AiTenshi March 22, 2021 (Author's note: kapag walang nakalagay na POV, automatic kay Tenjo ito. Ilalagay ko naman kung kay Jorad o sa iba pang characters. Salamat po.) Part 10: Bihag ng kalungkutan JORAD POV “Panginoon, talagang wala na pong buhay ang alaga ninyong kuneho. Huwag na nating pilitin pa, pagpahingahin na natin ang kanyang kaluluwa,” ang wika ni Doktor Plasid habang sinusuri ang aking alaga. “Kung ganoon ay bubuhatin ko siya ulit, isang mahinang kagat lang ang gagawin natin at tiyak na magkakaroon ulit siya ng hininga at pagkilos,” ang sagot ko sabay kuha sa patay na kuneho at dito ay nagliwanag ang aking mata, noong kakagatin ko na ito ay pinigilan ako ni Carlton. “Panginon, apat na beses nang namamatay ang alaga mong kuneho, apat na beses mo na rin ito binubuhay, nagiging isang halimaw na- ah e ang ibig ko pong sabihin ay nawawala na ito sa kanyan dating sarili. “Anong ibig mong sabihin Carlton? Na ang lahat ng kinakagat ko ay nagiging isang halimaw?” tanong ko “Panginoon hindi po ganoon ang ibig kong sabihin, hayaan na lamang po natin na magpahinga ang kuneho sa kabilang buhay, kung mayroon man,” ang sagot ni Carlton. Natahimik ako at nakaramdam ng pagkaawa, “Sa palagay mo ba ay naging masaya siya sa aking pag-aalaga?” tanong ko ulit. “Opo panginoon, napakaswerte ng Kunehong iyan dahil nakatikim siya ng pagmamahal sa inyo,” ang sagot niya sa akin. Napabuntong hininga ako at napaupo sa aking trono, “Mag-isa na naman ako, gusto ko ng bagong alaga, gusto ko ng bagong makakausap kapag ako ay nalulungkot,” ang dagdag ko pa. “Bumili na lamang po tayo sa bayan ng bagong alaga ninyo, marami pa doon, pwedeng aso, puso, unggoy o kung ano pa man, panginoon.” “Kung ganoon ay pumapayag ako sa sinabi mo Carlton. Maghanda kayo ng isnag gintong kahon at ililibing natin ang kuneho sa libingan ng aking mga magulang,” ang utos ko dahilan para mapakunot ang noo ng lahat pero seryoso ako sa aking mga sinabi. Agad akong pumasok sa aking silid at nagmuni muni, nakasunod pa rin si Carlton sa akin. Si Carlton ay ang kaibigan ng aking mga magulang, siya ang nag-aalaga sa akin simula noong bata ako. Tinaglay ko ang kapangyarihan ng aking ama noong ako ay 10 taong gulang pa lamang. Ngayon ay daang taon na ang aking itinagal sa mundo pero heto pa rin ako, malakas at makapangyarihan.  Nag mula ako sa lahi ng mga dugong bughaw na Miryoku, isa rin ako sa apat na santong Miryoku na bawat panig ng mga lupain. Nag tataglay ako ng hindi mapapantayang yaman, higit pa sa mga bilyonaryo sa iba’t ibang bansa. Katulad ng sinabi ko, ako ay nagtaglay ng isang malakas na kapangyarihan, kaya ang iba’t ibang ay ginamit ako bilang isang malakas na sandata sa iba’t ibang digmaan. Kapalit noon ay ang kanilang mga kayamanan, iyon ang dahilan kaya naging makapangyarihan ako sa larangan ng material na bagay katulad ng pera, alahas at mga ginto at pati na rin sa literal lakas, kapangyarihan at kakayahan. Hindi umalis si Carlton sa aking tabi siya ang aking taga-payo at natitirang pamilya sa mundo. Bagamat marami rin akong mga naging tagasunod at lahat sila ay kinupkop ko ng buong puso. Ang aking heneral na si Azusa naman ay aking kababata at kasamahan sa pakikidigma kaya’t masasabi kong hindi rin ako nag iisa. Nagkaroon ako ng kasintahan, si Guineth, isang dugong bughaw dito sa bansa, maganda at sopistakda, pero ang pagiging Miryoku ni Guineth ay isang malaking sumpa dahil hindi niya ito nakokontrol. Mainitin ang kanyang ulo at maiksi ang pasensiya kaya’t madalas ay naamoy siya ng mga Aporyokan. Ilang taon na rin kaming kasama ni Guineth, siya nagbibigay ng sekswal na kaligayahan sa akin, siya rin ang literal na nagpapaligaya sa aking malungkot na buhay, ngunit sa kabila ng lahat ng ito nananatili pa rin ako malungkot na para bang matagal na akong may hinahanap na kung ano, at hindi ko alam kung ano iyon. Sa kabila ng yaman, ng lahat ng tagumpay na ito ay naghahanap ako ng isang pagmamahal na mula sa kapatid, ina o sa malapit na kapamilya. Nag hahanap ako ng pribadong kaligayahan na makakamit ko lamang sa isang taong labis na makikinig sa aking mga hinaing. Kaya kung minsan ay nag-aalaga na lang ako ng kuneho upang sabihan ng aking mga nararamdaman. Si Guineth? Ito ang kasintahang hindi mo maaasahan pagdating pag-unawa, ang hilig lang niya ay dalawang bagay, una ay isang marangya at maluhong buhay at ikalawa ay ang makipagtalik sa akin at mapunan ang sekswal naming mga pangangailangan. “Seryoso ka Panginoon? Talagang ipalilibing mo ang kuneho sa libingan ng iyong mga magulang?” ang tanong ni Azusa. “Bakit hindi? Ang kunehong iyon ay namatay kakapakinig ng aking mga hinaing sa buhay, pumanaw siya na may pagpapahalaga sa akin. Kaya’t labis akong nalulungkot sa kanyang pagkawala,” ang sagot ko naman. “Kung nalulungkot ka panginoon ay bakit hindi tayo lumabas at magsaya? Ikukuha kita ng babaeng katalik upang maligayahan ka habang wala si Lady Guineth. Ayos lang naman na pagtaksilan mo siya dahil mukha naman talagang pera ang babaeng iyon,” ang natatawang wika ni Azusa. Natawa rin ako, “yung huling babaeng ibinigay mo namatay,” ang sagot ko. “Namatay sa sarap?” tanong niya. “Hindi, literal na namatay dahil hindi kinaya ang lason ng aking semilya, ang akala ko ay normal ako pero mali pa. Ang ating semilya bilang mga Miryoku ay parang asido na nakakalusaw ng laman ng tao. Hindi mo ba ito alam?” tanong ko. “Hindi, kaya pala lahat ng babaeng nakakatalik ko ay namamatay. Eh panginoon anong ginawa mo dun sa babae?” tanong niya sa akin. “Kinain ko, ano pa bang dapat kong gawin? Hayaan na natin iyon, ngayon ay nasa bingit ako ng pagluluksa kaya ayokong lumabas para magsaya. Sabihin mo kay Carlton na ihanda ang isang malaking seremonya para sa pagluluksa.,” ang utos ko. “Pagluluksa?Para sa kuneho, Panginoon?” pagtataka niya. “Oo, gawin  niyo na, bago pa ako tuluyang magalit dahil pinagtatawanan ninyo ang aking pagdadalamhati, anong klaseng mga nilalang kayo na ginagawang katatawanan ang nakakalungkot na bagay?” tanong na may halong pagkainis. Seryoso ang aking kalungkutan noong mga oras na iyon, wala akong ginawa kundi ang tumingin sa paligid, mapabuntong hininga at kung minsan ay kusa na lang akong maghahanap ng isang bagay na pwede kong kausapin. Daan taon na rin akong ganito, walang kasama at inialay ko na lamang ang aking sarili sa walang katapusang pakikidigma bilang isang mapanganib na Miryoku. Ang kaibahan ng isang Miryuko sa ordinaryong taong lobo lamang ay sadyang malaki. At ito ay ayon sa mga sumusunod.. Ang mga Miryoku ay nakokontrol ang kanilang pagpapalit ng anyo. Maaari silang manatili sa estadong tao na may pangil at nanlilisik na mata na parang isang bampira o kaya ay isang demonyong isinumpa at maaari rin silang maging isang ganap na taong lobo na may kakayahan at kapangyarihan. Kapag sila ay nasa anyong Miryoku ay sagad kanila kakayahan at kapangyarihan kaya’t sa mga labanan ay nagpapalit agad ng anyo ang mga ito upang masiguradong sila ay magtatagumpay. Hindi kailangan pa ng liwanag ng buwan para mag palit ng anyo at maging malakas. Maaari maging Miryoku ang isang tao at maaari rin niya itong ibalik sa dati anumang oras. Samantala, ang mag ordinaryong taong lobo ay nakadenpe lamang ang kapangyarihan sa liwanag ng buwan. At sa umaga ay babalik rin sila sa dati upang makibagay sa mga mortal. Malakas at maliksi lang ang mga taong lobo, wala silang mga kakayahan katulad ng pag gamit ng mga element o kung ano ano pang taktika sa pakikipaglaban. Ang balat ng mga Miryoku ay makukunat hindi katulad ng balat ng mga taong lobo na manipis at madili silang tamaan at masugatan. Tahimik.. “Panginoon maaari ba akong pumasok?” tanong ni Carlton sa labas ng pintuan, samantalang ako naman ay naka-upo lang sa aking silya at nakatahimik. Isang malalim na buntong hiniga ang aking pinakawalan, “Tuloy,” ang tugon ko. “Panginoon, nakahanda na po ang karwahe para sa pagpunta ninyo sa bayan,” ang wika nito. “At bakit naman tayo magtutungo doon? tanong ko naman “Kayo lamang po ng ibang mga kawal at taga silbi ang magtutungo doon panginoon. Alam na po nila ang bilihan ng mga hayop na maaari mong maging alaga.” “Kung gayon ay dalhin niyo agad ko doon sa bayan upang makapanimili.” “Masusunod po panginoon,” ang nakangiting sagot niya. At iyon nga aming napagplanuhan, agad akong sumakay sa karwahe na magtutungo sa kabilang bayan. Minsan lang sa asul na buwan kug ako ay mag tungo doon. Mabibilang mo ito iyong mga daliri. Ako naman ay nag iisip lang habang anak tanaw sa labas ng bintana habang nakapako ang tingin sa kawalan. Tahimik.. Mahangin.. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay bigla akong may nakita imahe ng dalawang lalaking naglalakad sa di kalayuan, parehong matangkad, parehong nakahubad ng pang itaas na damit at pareho silang nakangiti, batid kong masaya silang dalawa na hindi ko mawari. Maya maya nag tungo silang dalawa sa ilalim ng malaking puno at nagpahinga, nahiga ang isa sa hita ng isa at kapwa nila hinaplos ang kanilang mga pisngi. Maya maya ay gumalaw ang kanilang mga ulo at naglapit ang kanilang mukhang kasamaby nito ang isang matamis na halik. Noong mga sandaling iyon ay pilit kong inaaninag ang mukha ng dalawang lalaking iyon. pero hindi ko sila kilala, basta ang alam ko lang ay pamilyar sila sa akin na para bang matagal ko na silang kasama. Noong magbalik sa normal ang aking ulirat ay nawala ang imahe ng dalawang lalaki sa aking paningin at pagkatapos noon ay biglang tumibok ang aking puso sa hindi ko malamang kadahilanan. Kakaiba ang pintig nito, para bang mabilis at nananabik na hindi ko maunawaan. “Panginoon, nandito na po tayo sa bayan. Kailangan niyo po ba malaking pananggalang sa araw?” tanong ng isang taga silbi. “Hindi na, bakit kailangan pa? hindi naman ako nasusunog sa ganyan. Nasaan ang tindahan ng mga alagang hayop?” ang tanong ko naman na parang batang naghahanap sa paligid. Naglakad kami panandalian  hanggang sa nakarating kami sa sentro ng bayan kung saan ang mga tao nagtitinginan at pinagmamasdan ang aking ngayon, ngiti lamang ang isinasagot ko sa kanila, mabuti na lamang at marunong akong magpakita ng isang kaaya ayang ekspresyon sa mga normal na tao. “Panginoon, nandito na po tayo, mayroon ditong mga gintong isda, mga pusa, aso, mayroon ring ahas, bayawak, igwana at kuneho. Ano po ang nais ninyo panginoon?” tanong ng taga silbi. “Hindi ko alam, ang lahat ng hayop na tinitingnan ko sa mata ay umiiwas na para bang natatakot sila, pati itong ahas ay inilubog ang ulo sa kanyang katawan,” ang sagot ko naman. “Ginoo, kapag umiiwas ang isang hayop sa iyong tingin, ang ibig sabihin ay maaaring nahihiya sila sa iyo, o maaari rin namang natatakot sila o nakakaamoy ng panganib,” ang wika nito. “Ganoon ba? Ang ibig sabihin ay mahihirapan akong alagaan ang mga ito?” tanong ko naman. “Parang ganoon na po ginoo,” ang tugon ng matandang tinder at habang nasa ganoong pag-uusap kami ay napukaw ang aking atensiyon sa kalsada kung saan may isang batang lalaki na nakasuot na barang basahan ang hinihinalahod sa lupa, nakayapak lang ito at mukhang pagod na pagod na. Ilang beses na ring hinila hila ng lalaki ang bata hanggang sabumulagta ito at saka magdugo ang nguso at ilong. Walang sabi sabi ay agad akong umalis sa tindahan at dito nagulat ang lahat, “Panginoong Jorad, saan ba kayo pupunta?” ang tanong nila samantalang ako naman ay naglakad ng mabilis upang sundan ang batang nakagapos na para isang aso sa kalye. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD