Part 9: Ang itim na rosas

2260 Words
Crimson Bullet AiTenshi March 21, 2021 Part 9: Ang itim na rosas "Nagustuhan mo ba Tenjo? Ito ang magiging silid mo at kung mayroon kang kailangan ay maaari mong sabihin ang lahat kay Carlton. O maaari mo rin akong puntahan sa aking silid o sa aking tanggapan. Ang mahigpit ko lamang na ipagbibilin sa iyo ay huwag kang lalakad mag isa dito sa palasyo o kahit doon sa labas, maliwanag ba?" tanong ng lalaki sabay gusot sa aking buhok. Tumango ako bilang tugon. Tahimik kong pinagmasdan ang isang magarbong silid. Mistulan akong prinsipe na mahihiga at mauupo sa mga silyang gawa sa gintong may magandang burda. At tulugan ay malambot na parang ulap sa kalangitan. Hindi ko akalaing magbabago ang lahat sa isang iglap at magiging maayos ang aking buhay. Gayon pa man ay nararamdaman kong komplikado sa lugar na ito, may amoy na parang panganib ang dala na hindi ko maunawaan. "Tawagin mo akong Jorad," ang wika ng lalaki ni hindi ko namalayang lumapit siya sa akin at ipinatong ang kanyang palad sa aking balikat. "Tawagin mo siyang Panginoong Jorad, maliwanag ba Tenjo?" ang wika naman ni ginoong Carlton. Dahilan para matawa ang binata sa kanyang tabi. "Carlton, kailangan ba ako magkakaroon ng isang kaibigan o kakilala man lang na hindi ako tatawagin panginoon? Hayaan mong masanay si Tenjo na tawagin ako batay sa aking pangalan," ang wika nito habang nakangiti sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya naman kinuha ko ito at dito inakay niya ako para ilibot sa buong palasyo. "Simula ngayon ay dito kana titira, isipin mong sa iyo na rin ang palasyong ito." dagdag pa niya. "Panginoon,  makabubuti siguro kay Tenjo na pag-aralin natin siya, para matuto siyang sumulat, magbasa at kumilos ng tama." "Tama ka Carlton, at ako mismo ang magtuturo sa kanya, ako rin ang mamimili ng mga damit niya na isusuot kahit ang mga kakainin niya ay ako rin ang pipili," ang parang batang sagot ng binata sabay hila sa akin sa kanyang tabi at saka ako niyakap niya. "Panginoon, may misyon pa po kayong dapat gawin sa palagay ko po ay wala na kayong oras pa para gawin ang mga bagay na iyan," ang tugon ni Carlton. "Kung gusto ay madali maglaan ng oras. Ako ang bahala kay Tenjo," ang wika nito. "Ngunit panginoon, hindi po kaya sobrang pang-aangkin na ang nais mo sa bata? Alam ko po na nag-iisa na lang kayo sa buhay at sabik kayo sa kapatid o kaya ay makakasama pero ang sobrang pang-aangkin ay hindi nakabubuti." "Wala kang paki Carlton, at wala akong pakialam, ako ang bumili kay Tenjo, ako ang nagpangalan sa kanya kaya akin siya!" ang wika nito sabay harap sa akin, "akin ka diba? Pag aari kita diba?" tanong niya habang nakangiti. Tumingin ako sa kanya at saka tumango kaya naman muli niya akong niyakap ng mahigpit at noong saktong masubsob ako sa kanyang dibdib ay narinig ko ang pintig ng kanyang puso at dito ay para bang may nakita akong mga imaheng hindi ko maipaliwanag. Sa unang malakas na pintig nito ay nakita ko si Jorad na nakatayo sa isang malaking palasyo, sa kanyang harapan ay maraming mga kawal. Lumundag siya mula sa pinaka itaas nito at nag liwanag ang kanyang katawan. Naipon ang liwanag na iyon sa buong paligid at dito ay tila nagbago ang kanyang anyo. Pero hindi ko na nakita pa. Sa ikalawang imahe naman ay nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng isang nakausling batuhan sa kumikinang na lawa, nakahubad at nakatapat ang hubad katawan sa liwanag ng buwan. Kasabay nito nagbago ang anyo ng kanyang mata at nagsimulang humaba ang kanyang buhok. Nagliwanag rin ang mga bulaklak ng lotus sa paligid niya at nagsimula itong maging kulay pula. Isang malakas na pintig pa ang aking narinig at may narinig tumatawag sa aking pangalan. "Tenjo, bumalik ka! Alalahanin mo kung paano ka nag simula," ang boses ng isang lalaki at kasabay nito ang paghinga ko ng malalim na parang nalunod ako sa kanyang dibdib. Tahimik.. "Tenjo, ayos ka lang ba? Akala ko ay nakatulog ka na sa dibdib ko," ang wika ni Jorad. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may kakaiba akong amoy na nalalanghap, tumaas ang aking ulo at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot, parang may mapanganib na parating. Kasabay nito ang bukas ng aming silid at dito ay pumasok ang isang lalaking may kulay ang buhok. Kulay itim na may hibla ng mga pula, matangkad at matipuno ang katawan. Parang si Jorad din ngunit mas kayumanggi lang ng kaunti ang kanyang balat. Nagulat pa ito makitang may yakap na bata si Jorad, "Ikaw pala Heneral Asuza. Anong kailangan mo?" tanong ni Jorad. "Panginoon Jorad, dumating na po si Lady Guineth. Sino po ang batang iyan?" tanong nito. "Siya ang aking bagong alaga si Tenjo. At Tenjo, siya naman ang aking heneral na si Asuza," ang wika nito habang nakangiti. "Nasaan na si Guineth? Sabihin mo sa mga taga silbi na palitan ng itim na rosas ang mga bulaklak doon sa bulwagan," ang utos naman ni Carlton sabay hawak sa akin. "Panginoon, ilalayo ko na muna si Tenjo dito sa palasyo," ang dagdag pa nito. "Hindi, dito lamang si Tenjo at ipapakilala ko siya kay Guineth," ang nakangising wika nito. "Panginoon, ilalagay mo lamang sa kapahamakan ang bata, ako na lamang ang bahala kay Tenjo," ang hirit din ni ginoong Carlton sabay hila sa aking braso. "Bakit ba magaling ka pa sa akin Carlton, akin na iyan!" ang sagot ni Jorad at muli akong hinila pa punta sa kanya. Samantalang ang mga taga silbi naman ay nagtatakbuhan sa bulwagan hawak ng mga itim na rosas saka pinapalitan ang mga paso sa doon. "Nandiyan na siya," ang wika ni Jorad sabay akay sa akin papunta sa hagdan at dito nga ay may isang babaeng lumakalad sa bulwagan. Magarbo ang kanyang damit, mahaba at unat na unat ang buhok. Maganda siya at maganda rin ang hubog ng katawan. Huminto pa ito sa isang plorera at inamoy ang isang itim na rosas. Nasa ganoong paglanghap siya ay noong parang bang may naamoy na ibang bagay, muli siyang lumanghap sa hangin at nabaling ang kanyang tingin dito sa itaas, sa amin mismong kilalagyan. Kaya naman agad siya naglakad patungo sa amin, hinihilahod niya ang kanyang magarabo at mahabang kausotan na parang ikakasal. Hawak pa rin ni Jorad ang aking kamay, samantalagang si Carlton naman ay naka alalay sa aking likuran. “Nakakapagod ang byahe pauwi dito, bakit kasi hindi ka na lang sumunod doon sa ibang bansa?” ang wika nito na may halong pagmamaktol. Maya maya ay napahawak sa kanyang lalamunan at ang kanyang reaksyon ay parang nalalasing o nahihilong hindi mo malaman. “Ayos lang po ba kayo Lady Guineth?” tanong ni Heneral Azusa. “Maayos naman ako, hindi ko akalaing ganito kalambing ang aking kasintahan na si Jorad, hindi ko inaakala na sasalubungin niya ako ng isang masarap at masustansiyang pagkain,” ang wika nito samantalang napalingon naman ako sa lamesa at wala namang kahit na anong pagkain doon maliban sa mga kandila. Nagtataka rin ako kung bakit ganitong kumilos ang babaeng ito, sa kabila ng kanyang maganda, maamo at maputlang balat ay para bang tinatamaan siya ng matinding pananabik na hindi ko maunawaan. Nagbibigay iyon ng kilabot sa akin lalo na kapag lumalanghap siya sa ere na parang bangong bago sa kanyang naamoy. Naamoy ko rin siya, kakaiba ang kanyang simoy, parang amoy dugo, amoy Miryoku na hindi ko maunawaan, kahit itago niya ito naamoy ko pa rin ito ng maayos.  “Guineth, maligayang pagbabalik sa iyo, sana ay nagustuhan mo ang iyong bakasyon,” ang wika ni Jorad. “Oo naman mahal ko, iyon nga lang ay napakalungkot dahil hinahanap-hanap kita parati. Halika na doon at pagsaluhan natin ang iyong regalo para sa akin,” ang wika nito na parang tumutulo ang laway na hindi ko malaman. Natawa si Jorad, “ano ka ba Guin? Ang batang ito ay alaga ko at hindi isang pagkain. Halika, mayroon akong espesyal na putahe doon sa aking silid,” ang wika nito at binitiwan niya ang aking braso at saka iniabot kay Carlton. “Alaga? Noon ay isang kuneho, ngayon naman ay isang bata? Paano mo nasasabing alaga ang isang pagkain? Huwag mo nga akong patawin Jorad,” ang wika ni to sabay lapit sa akin, mabilis at halos hindi ko namalayan. “Anong pangalan mo hijo? Ang bango bango mo, sariwang sariwa ang iyong atay at napakatamis ng amoy ng iyong apdo. Halika, ibigay mo na ito sa akin,” ang wika nito sabay hawak sa akin pero agad siyang pinigilan ni Carlton, “Lady Guineth, naghanda po kami sa inyo ng espesyal na putahe, alam namin na pagod kayo sa inyong byahe,” ang wika nito. “So? Ano ngayon kung pagod ako? Ang batang iyan ang tiyak na mag-aalis ng pagod ko, ibigay mo siya sa akin!” ang singhal nito. Maya maya ay hinawakan ako ng heneral, “Panginoon, ako na po ang bahala dito kay Tenjo,” ang wika nito sabay buhat sa akin saka ako inilayo sa babae, agad ring sumunod si Carlton sa amin. “Sino ang babaeng iyon? Isa po siyang halimaw,” ang wika ko habang nakatingin sa babae na noon ay nakatanaw lang sa akin at nakalabas ang kakaibang matulis na pangil.  Pero kinakausap pa rin siya ni Jorad, maya maya ay naghalikan silang dalawa at saka yumakap siya dito papasok sa kanilang silid. “Tenjo, ang babaeng iyon ay mapanganib kaya huwag kang lalapit sa kanya,” ang wika ni ginoong Carlton. “Master Carlton, bakit ba kasi doon kayo mananatili sa palasyo? Delikado doon dahil dito nagtutungo ang mga kaibigan ni Panginoong Jorad. Isang malaking gulo kapag nalaman nilang nag-aalaga ito ng bata. “Matigas ang ulo ni Panginoong Jorad, hindi ko ito makontra sa kanyang nais. Kung sa bagay, bata pa lang naman kayo noon ay talagang matigas na ang ulo ng Panginoon at parati itong nagbibigay ng matinding sakit ng ulo sa akin” ang wika nito. “Oo nga master, naalala ko rin kung paano kami muntik nang mapahamak doon sa kabundukan, sadyang matigas lamang talaga ang ulo ni Panginoong Jorad. Mas makabubuti na iuwi na lamang natin si Tenjo doon sa unang himpilan, upang maging ligtas siya at mapanatag tayo,” ang wika nito sabay pasan sa akin. Wala ring amoy si Azusa, parang ganoon ito kay Jorad. At ang nakakagulo pa sa aking isipan ay halos hindi ko maunawaan kung ano bang pinag-uusapan nila? Kung bakit ang magandang babaeng iyon ay amoy Miryoku at kung bakit sinasabi niyang pagkain ako? At iyon ang napagdesisyunan nila, hapon na noong ilabas ako sa palasyo upang dalhin sa unang himpilan, mas maging ligtas ay doon na muna ako pinatuloy ni Azusa sa kanilang gusali ng mga kawal. Pagpasok pa lang naming doon ay nakatingin ang mga ito sa akin, “O, dito muna itong batang alaga ni Panginoong Jorad, bawal siyang galawin at huwag siyang papakitaan ng kung anumang bagay maliwanag ba? Huwag kayong magtatangkang manggulo o lumapit sa kanya dahil papatayin ko kayo,” ang wika nito habang nakangiti. Ako naman ay tahimik lang na pumasok sa silid, pagdating dito ay nanalungko ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang heneral na magpalit ng damit. Ang ganda ng kanyang katawan, perpekto ang hubog at mayroong makapal na buhok sa kanyang kili-kili. Natawa ito noong makita niya nakasiksik lang ako sa isang sulok. “Bakit nariyan ka? Ako na muna ang mag-aalaga sa iyo, nandito ka sa aking silid. Si Master Carlton ay bumalik naman doon sa palasyo upang ipagbigay alam kay Panginoong Jorad na ako muna ang bahala sa iyo. Huwag kang matakot sa akin dahil hindi naman ako masamang tao, matalik kami magkaibigan ni Panginoong Jorad, sabay kaming lumaki at nagkaisip, marami rin kaming mga pinagdaanang misyon sa iba’t ibang bansa, kaya kung mahal ka niya at mahal rin kita. Huwag kang matakot sa akin okay ba iyon? Gusto mo ba ng candy? O ng tsokolate kaya? Heto marami ako dito sa cabinet,” ang wika niya habang nakangiti. “Ayos lang po ako, hindi lang ako sana’y sa ganitong buhay, sino ba yung babae na iyon? Para siyang isang mabangis na hayop?” tanong ko naman. Natawa ang heneral, “siya ang kasintahan ni Panginoong Jorad, ang pangalan niya ay Guineth, taga doon sa Kanluran. Pag laki mo at nagbinata ka na rin ay maaari ka na magkaroon ng kasintahan. Iyon ay kung papayagan ka ni Panginoong Jorad, simula ngayon lahat ng kilos mo at gagawin ay aalamin niya, aalamin rin niya kung sino yung taong nakapaligid sa iyo, kung sino ang kaibigan mo at kung ano ang ginagawa mo. Isa sa pinakakilalang ugali ni Panginoong Jorad ay ang pagiging possessive o mapang-akin. Kapag kanya ay kanya lang at walang makaagaw dito. Sa palagay ko ay nakakagiliwan ka niya ng husto.” “Bakit ako?” ang simple kong tanong. “Dahil si panginoong Jorad ay sabik sa pamilya at kasama sa buhay. Ang buong angkan niya namatay matagal na panahon na ang nakalilipas, kaya’t mag isa na lamang siya,” ang sagot ng heneral sabay abot ng mga minatamis na pagkain sa aking harapan. Isang ngiti lang ang aking isinukli, kumuha ako ng isang malambot na kendi na lasang gatas at saka ko ito ibinabad sa aking bibig. Humarap ako sa bintana at pinagmasdan ang malaki bundok sa di kalayuan. Doon sa bundok na iyon nanggaling, nakakamangha lamang kung iyong iisipin. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD