Crimson Bullet AiTenshi March 28, 2021 Part 19: Sumpa ng pag-iisa TENJO POV “Tenjo, ang lalaki iyon, nilason niya ang katawan mo at may ginawa siya dito. Nilagyan ka niya ng dugo na hindi malaman kung saan nagmula. Basta noong gabing natagpuan kitang walang malay doon sa kakahuyan ay inatake mo ako, napakabilis mong kumilos at hindi ka normal. Nilabanan mo ako at pinagtangkaan, pero hindi kita kayang saktan kaya wala akong nagawa kundi ang umiwas at ingatan ka. Noong mga sandaling iyon ay kumalat ang lason sa katawan mo at humalo na ito sa iyong dugo. Ang tanging nagawa na lang naming ay ang iselyo ang mga madumi at mapanganib na selula sa iyong katawan upang hindi ito maging aktibo. Sa makatuwid, ikaw ngayon ay hindi na nabibilang sa isang ordinaryon bata,” ang boses ni Jorad sa ak