Crimson Bullet AiTenshi March 28, 2021 Part 20: Ganti ng Dugong Bughaw “Lola, ano po ang alam niyo sa apat na hari? Lahat ba sila ay mga halimaw?” ang tanong ko ulit. “Oo. Lahat sila ay matataas na uri ng Miryoku o makapangyarihang taong lobo at wala ni isa man ang nakakakita. Hindi ito haka-haka at lalong hindi kwento kutsero lamang, ang lahat ng ito ay totoo at may basehan. O, siya hijo, napakarami mong tanong, narito ang tuwalya at ang susi ng iyong silid, maglinis ka nang katawan at napaka dusing mo na,” ang nakangiti niyang sagot ng matanda sabay gusot sa aking buhok. Alas 8 ng gabi, matapos kong maligo at naupo ako sa kama at dito ay napatingin ako sa labas ng bintana kung saan naroon ang bundok na palasyo ni Jorad, ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Kumain na kaya sila? O maay