Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 31: Daupang Palad "Bitiwan mo nga ako!" ang sigaw ko habang kumakawala sa kanyang pagkakayakap. "Sira ka ba? Kapag bitiwan kita ay mahuhulog ka doon sa baba. Kung sa bagay mabubuhay ka naman ulit," ang natatawang hirit nito habang lumilipad kami sa ere pasibat sa itaas na parang isang ibon. Hindi ako makapaniwala na umabot na sa ganitong lebel ang kapangyarihan ni Jorad. Masyado na siyang malakas at mas malakas pa siya ngayon ng di hamak. Yakap pa rin ako ni Jorad, ngayon ay nasa mas mataas na parte na kami ng kalangitan. Mula dito sa itaas ay makikita mo ang kagandahan ng buong lupain. Mga bagay na ngayon ko lang naranasan at nakita sa buong buhay ko. "Mula dito sa itaas ay nakikita ko ang lahat kaya madali kitang mahahanap kahit saan ka magtago.