Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 5, 2021 Part 30: Ang Pista ng Tenjo Gumanti siya ng pagatake sa akin, hinuli niya ang aking braso at ituhod ito dahilan para mabali ang aking buto. Isang malakas na suntok pa ang kanyang pinakawalan dahilan para tumilapon ako sa malayo at masawak ang mga puno sa paligid kung saan akong sumadsad. Nawasak ang aking maskarang suot. Tumakbo siya patungo sa akin, ramdam kong mas malakas siya dahil nahuhuli niya ang aking pagkilos. Muli siyang kumilos at noong makalapit siya sa akin ay napahinto ako sa pag galaw at ganoon din siya. Noong makita namin ang mukha ng isa't isa ay tila may kakaibang kaba na lumukod sa aming mga dibdib. Ang lalaking ito walang iba kundi si Jorad, ang lalaking alaga at kumupkop sa akin noon. Nanatili akong nakatayo sa ka