Crimson Bullet AiTenshi March 23, 2021 Part 12: Ang normal na buhay ni Tenjo (Balik tayo sa POV ni Tenjo) “Kumusta tulog mo? Siguro ay masyado akong malakas mag hilik kaya malaki na naman iyang mata mo na parang namumulagat,” ang wika ng heneral Azusa noong magising ito, nagulat pa nga ito dahil daw nanlalaki agad ang aking mata. “Hindi ako masyadong makatulog, kasi parang mayroong mga tao sa bintana kagabi,” ang sagot ko naman. “Mga nagbabantay na kawal lang iyon, umiikot sila sa buong himpilan upang makasiguradong ligtas ang lahat. Halika maligo na tayo at pagkatapos ay kakain tayong dalawa ang masarap na pagkain,” ang wika nito sabay buhat sa akin papasok sa sarili palikuran ng kanyang silid. May isang malaking paliguan na parang batya dito ay mayroon ring daluyan ng tubig na na