Crimson Bullet AiTenshi March 24, 2021 Part 13: Bakas ng Kahapon Lumipas ang mga tag-araw at tag-ulan sa aking ordinaryong buhay. Masasabi kong nagkaroon ng matinong direksyon ang daan na aking nilalakaran. Bagamat sa literal na salita ay medyo magulo rin ang aking buhay dahil habang tumatagal ako dito sa palasyo ni Jorad ay mas nararamdaman ko na hindi ordinaryong mga tao ang nasa paligid ko. Isa na nga dito si Guineth na parating parang nababaliw kapag nakikita ako. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil lagi na lang niya akong hinahabol na para bang gusto niya akong patayin kaya lagi akong tumatakbo palayo sa kanya. Si Guineth ay parang isang mabangis na hayop, nakikita ko rin siya lumukso at lumundag mula sa ika apat na palapag pababa sa aking kinalalagyan. Kung minsan a