Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 24, 2021 Part 52: Puso TENJO POV Nanlaki ang mata ni Jorad noong makita kung paano ko kainin ang puso ni Penelope. Dito ay nagsimulang manginig ang aking katawan, binalot ako ng kakaibang init na para bang nasusunog ang aking buong kalamanan. Kasabay nito ang pagbulagta ko sa lupa dulo ng kakaibang pakiramdam. Noong mga oras na kinagat ko ang puso ay isang malakas na tawa ang pinakawalan ng aking masamang ugat sarili. Galak na galak ito na para bang mababaliw sa matinding kaligayahan. Samantalang ako naman ay nakabulagta lang at iniinta ang kakaibang sakit sa pakiramdam. Bakit ganoon? Masarap lang ito sa pang amoy ngunit masakit ito sa kalamanan! "Sa wakas ay nagawa mo rin. Masarap diba? Ang kinain mo ay napaka espesyal na putahe. Iyan ang pi