Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 51: Madilim na kapalaran "Isang literal na mahabang gabi ito para sa ating lahat. Sino ang mag aakalang aatake ang mga Elyorac? Sadyang planado at mahusay ang kanilang timing. At noong bumagsak sila mula sa madilim na kalangitan ay nagbago na ang takbo ng lahat. Naging mas madugo ang labanan at para itong literal na bangungot," ang wika ni Heneral Azusa. “Ang bawat isang Elyorac ay nagtataglay ng lakas at bilis na parang ganyan sa iyo, Tenjo. Sa isang iglap ay nilusob nila ang daan daang Miryoku, lahat sila ay gutom na gutom na kahit hatiin ang kanilang mga braso at katawan ay hindi pa rin sila tuluyang namamatay. Kaya nabigla ang mga MIryoku, hindi nila akalaing darating ang mga Elyorac sa ganoong pagkakataon, sa makatuwid ay bumagsak na rin halo