Crimson Bullet AiTenshi March 29, 2021 Part 22: Huling patak ng lakas "Ano na Tenjo? Kailan mo papahirapan ang sarili mo?" ang tanong ng masamang ugat sa akin habang nakabulagta ako sa lupa at nagdurugo ng husto ang katawan. Nakaupo ito sa aking tabi habang nakangising pinagmamasdan ang aking wasak na katawan. "Alam mo kaya ka mahina? Dahil gutom ka, kumakalam ang iyong sikmura," ang dagdag pa niya. At noong sabihin niya ito ay nakaramdam ako ng p*******t ng aking tiyan na para bang sinusuntok ako ng paulit ulit. "Kung hindi ka makikipagtulungan sa akin ay mamamatay ka at mababale wala ang lahat. Naisip mo ba ang magiging resulta ng lahat ng ito? Tiyak na kapag namatay ka dito ay babalikan nila si Jorad at sasabihin nilang siya ay nag-alaga ng isang halimaw na kumakain ng puso ng Miry