Crimson Bullet AiTenshi March 29, 2021 Part 23: Sandaling pag-lisan "Kumain ka ng marami para hindi puro puso ng Miryoku ang kinakain mo," ang hirit na biro ni Heneral Azusa habang sabay sabay kaming kumakain sa bulwagan ng palasyo. "Hindi naman ako kumakain non, teka nasaan ba si Jorad? Bakit wala siya?" tanong ko naman. "Nandoon siya sa pagpupulong, umuwi dito yung pinuno ng bansang nasangkot sa digmaan, ngayon ay nanghihingi sila ng tulong kay Panginoong Jorad," ang paliwanag ni ginoong Carlton. "Eh bakit kay Jorad? Pwede namang sa iba diba?" tanong ko naman na may halong pagtataka. "Saka bakit kailangan pa niyang umalis at sumabak sa digmaan? Paano kapag napahamak siya?" "Hindi mapapahamak si Panginoong Jorad dahil kasama niya ako doon sa digmaan. Sa maniwala ka at sa hindi ay