Crimson Bullet Season 2 AiTenshi March 31, 2021 "Ilang taon ka na? At bakit gusto mong maging Apuryokan?" tanong ng lalaki sa akin. "Sampu, nais kong maging isang Apuryokan dahil gusto ko silang patayin! Gusto ko silang ubusin! Ang mga Miryoku, lahat sila ay mga demonyo!" ang sagot ko na hindi maitago ang galit at pagkasuklam. "Kung gayon, magiging Apuryokan ka lamang kung makakatalon ka sa bangin na iyan at mabubuhay. Ang pagiging isang Apuryokan ay ang nangangahulugang pagsasangla ng iyong buhay kay kamatayan. Kapag pumasok ka sa Organisasyon na ito ay para ka na ring nagpakamatay dahil sasabak ka sa iba't ibang misyon at yayakap sa mga delikadong sitwasyon. Sa makatuwid ang pagiging Apuryokan ay ang pinakamabisang daang patungo sa pagpapakamatay. Kung dito pa lang sa bangin ay map