Kabanata Twenty – eight Josh Dale POV Nang lumabas si Krystal para tawagan si mommy hindi na sya bumalik at nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto akala ko sya na yon pero hindi sya ang pumasok “Mukang hindi ka ata masaya na makita kami” sabi sakin ni Max at nilapitan nila ko “What are you doing here?” tanong ko sa kanila “Dinadalaw ka at buti na lang nabuhay ka pa pagkatapos mong maaksidente” sabi sakin ni Nathan at akmang hahampasin ako ng tingnan ko sya ng masama “Umayos ka, injured na ko” sabi ko sa kanya kaya natawa sya “Kawawa ka naman Jd mag isa ka lang dito” sabi pa nya sakin “May bantay yan kaya lang ayaw pumasok” sabi ni Carla sa kanila kaya kumunot ang noo ko “asan si Krystal?” tanong ko sa kanila “Umalis” sagot ni Mark sakin kaya napabuntong hininga ako “Saan nagpunta?” t