Kabanata Fourteen
Josh Dale POV
Kasalukuyan kaming asa airport ngayon ni Thunder at iniintay namin si Mark dahil hanggang ngayon wala pa sya “Anong oras ba dadating si Mark?” tanong sakin ni Thunder “hindi ko alam, he must be busy with something” sabi ko sa kanya at napailing sya. Hindi nagtagal dumating din si Mark “Bakit ba ang tagal mo?” tanong ni Thunder sa kanya “May inayos lang ako dahil pinatawag ako ni Dad kaya dumaan pa ko samin ngayon dahil may importante silang sinabi sakin” sabi nya sakin kaya napatango na lang si Thunder at nag check in na kami saka nagpunta sa gate namin para sa boarding “Alam na ba nila tito ang sinabi ko sayo?” tanong ko kay Mark “Hindi ko na sinabi sa kanila dahil ayokong umasa lang sila sa wala” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Hindi ako umaasa sa wala ngayon Mark” sabi ko sa kanya “Alam ko naman Jd pero parehas pa din namin alam na kahit makita mo man si Belle walang kasiguraduhan kung haharapin tayo ni Belle o hindi dahil kung oo sana matagal na nyang ginawa” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako at hindi na kumibo pa. Naniniwala pa din ako na pagnakita ko si Belle walang magbabago, sa limang taon na paghahanap ko sa kanya hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya dahil mahal ko sya at handa kong isuko ang lahat para bumalik lang sya, wala akong pakielam kung itakwil ako ni lolo o ng buong pamilya ko basta mahal ko sya at handa na kong ipaglaban sya. “Let’s go” sabi samin ni Thunder kaya sumunod na kami sa kanya at sumakay na sa shuttle na magdadala samin sa sasakyan naming eroplano, hindi nagtagal nakasakay na din kami at ayos na ang lahat “Mark anong sabi ni Rogi?” tanong ni Thunder kay Mark “Don na lang daw tayo magkita at may kasama sya” sabi ni Mark kaya kumunot ang noo ko “Sino?” tanong ko sa kanya at nagkibit balikat lang sakin si Mark. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko sa kanila, gusto ko na lang magpahinga dahil hindi ako nakapagpahinga kagabi sa sobrang inis ko kay Krystal. Masyado na syang nakikielam sa buhay ko eh hindi naman sya parte nito, kahit pa gusto sya ni lolo hindi ko na sya babalikan. Hindi ko din naman maintindihan kay Lolo kung anong pumasok sa isip nya at nagustuhan nya si Krystal para sakin, Belle is way better than her. I don’t need someone like her dahil niloko nya at pinaglaruan, isa sya sa dahilan kung bakit nawala si Belle sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila ni Lolo sana masaya pa din kami ni Belle ngayon at magkasama pa din kami, we could have built our own family by now kung hindi lang nila pinakielamanan ang buhay ko lalo na ang relasyon namin ni Belle. Pumikit na lang ako at inalis sa isipan ang lahat, ang kailangan kong isipin ngayon ay ang dapat kong gawin para sa mga possible investment na makukuha ko dahil malaking opportunity to para sakin ganun na din sa kompanya. Buong byahe natulog lang ako at inasikaso ang mga presentation na kailangan ko kaya naman ng mag landing ang eroplano namin hindi ko na namalayan “Jd mauna na kayo sa hotel dahil iintayin ko pa si Rogi” sabi samin ni Mark “We should wait for him” sabi ni Thunder sa kanya pero umiling si Mark “Ako na lang” sabi nya kaya tumango ako at hinila ko na si Thunder para umalis kami “Tara na” sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng airport na dalawa saka sumakay sa service namin papunta sa bahay namin dahil doon muna kami habang andito kami sa New York “Hindi ka ba curious kung sino ang kasama ni Rogi?” tanong sakin ni Thunder “Bakit curious ka ba?” tanong ko sa kanya “Malay mo si Belle pala ang kasama nya kaya nagpaiwan si Mark at mukang ayaw nyang makita mo ang kapatid nya” sabi nya sakin kaya napailing ako “Malabong mangyari yon, sa limang taon walang alam si Rogi kung asaan si Belle kaya imposibleng magkasama sila saka alam naman nila ang pinagdaanan ko kaya bakit nila itatago si Belle sakin” sabi ko sa kanya “Yon nga Jd pero bakit din si Kuya Dan nagawang gawin yon sayo?” tanong nya sakin “Ayoko ng pag-usapan pa yan Thunder dahil nawawala lang ako sa mood tuwing naaalala ko ang ginawa ni kuya sakin” sabi ko sa kanya “I just never imagine na of all people si kuya Dan pa ang gagawa non sayo, kapatid mo sya” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Hindi alam ni kuya ang ginagawa nya dahil mas gusto pa nyang sundin ang inuutos sa kanya ni lolo kaya nga hanggang ngayon si hindi sila ayos ni ate Devlin” sabi ko sa kanya at napailing na lang “Alam na ni kuya Dan ang ginagawa nya” sabi sakin ni Thunder “Sana nga alam nya kasi baka isang araw pag gising nya wala na ang babaeng mahal nya pati na din ang anak nila” saki ko sa kanya “Parang nangyari sayo, bigla na lang nawala si Belle pagkatapos mong marealize lahat ng kagaguhang ginawa mo sa kanya” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Magkaiba kami ni Kuya” sabi ko sa kanya “Magkaiba nga kasi si Ate Devlin hindi pa sya nilalayasan pero ikaw iniwan ka na ni Belle” sabi nya sakin “Thunder ayokong makipag away saka nilayasan na sya ni ate Devlin noon” sabi ko sa kanya kaya natawa sya “Alam ko pero binalikan sya ni Ate Devlin at alam mo naman siguro ang dahilan non saka hanggang ngayon hindi mo pa din matanggap ang mga ginawa mo, limang taon na Jd ang nakalipas at lahat kami naka usad na kaya gawin mo din” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat. Hindi ko na sya sinagot at tumingin na lang ako sa labas ng bintana, wala akong magagawa kung lahat sila sumuko na pero ako hindi pa. Hindi nagtagal nakarating din kami sa mansyon at sinalubong kami ng mga kasambahay para kunin ang gamit namin, dumiretso akong pumasok sa loob at natigilan ako ng may makitang tao sa living room “What the hell are you doing here?” tanong ko sa kanya “I came here to attend the conference” sagot nya sakin “You f*****g told me that you’re not going to attend kaya ako ang ppaalit sayo pero anong kalokohan na naman to kuya?” tanong ko sa kanya “Last minute decision to” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako at umakyat na sa taas. Hindi ko alam kung anong trip ni kuya at pinaglalaruan nya ko ng ganito, pumasok ako sa kwarto ko at nagkulong na lang dito dahil wala akong balak na lumabas at harapin sya. Paniguradong si lolo na naman ang may pakana nito kaya napailing na lang ako at binuksan ang laptop ko saka tiningnan ang email na natanggap ko kanina galing sa private investigator ko na naghahanap kay Belle, kumunot ang noo ko ng makita ang sinned nya saking email. Base sa caption ng bawat picture eto ang mga lokasyon na pinagtaguan nya at napayukom ako ng kamao ko dahil halos abot kamay na namin sya pero kung hindi lang dahil kay kuya nahanap na sana namin agad sya, nang tingnan ko ang huling picture nanlaki ang mata ko kasi kuha to sa US at eto ang araw kung saan andito din kami noon at kasama ko sila kuya non. Base sa picture na to naoperahan na sya at asa ospital sya kaya naman tiningnan ko ang pangalan ng ospital at may pagkakataon ako na mapuntahan to ngayon pero alam ko din na hindi nila agada ko bibigyan ng impormasyon kaya naman agad kong tinawagan si Andrei dahil makakatulong sya sakin ng malaki “Anong problema mo?” tanong nya sakin “Kailangan kong makuha ang impormasyon ni Belle sa isang ospital dito, I will email the details to you” sabi ko sa kanya “Sige gagawin ko mamaya may pasyente pa ko” sabi nya sakin “Okay” sabi ko sa kanya at ibinaba na ang tawag, malapit na kitang mahanap Belle at pagnakita talaga kita hindi nakita bibitawan pa kahit anong mangyari. Inabala ko na ang sarili ko sa pag aayos ng gamit ko pati na din ang pag ayos ko ng mga dapat gamitin bukas, kahit naman andyan na si Kuya alam kong kailangan ko pa din gawin ang trabaho ko dahil pag hindi ipapamuka na naman sakin ni lolo na wala akong ginawa kung hindi biguin sya at hindi na ko makakapayag don.
Her POV
Tumingin ako kay Tito Trevon at nakangiti lang sya sakin “Have a seat para makapag usap tayo” sabi nya sakin kaya huminga ako ng malalim saka sumunod sa sinabi ni tito at bago ako umupo sa tapat nya tiningnan ko sya at ngumiti lang sya sakin “So Belle I would like you to introduce to our new commercial model” sabi sakin ni tito kaya tiningnan ko sya “Seryoso po kayo dito tito?” tanong ko sa kanya, it may be sound rude pero I’m just shock about his sudden decision, alam ko naman na kailangan namin ng model pero hindi ko ineexpect na sya ang kukunin ni tito Trevon. “Yes, she would be a great help” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako, so ibig sabihin nito makikita ko sya dito kahit na hindi ko sya directly makakatrabaho “By the way Belle she is Krystal Valdez and Krystal she is Isabelle Claire, girlfriend of Tristan” sabi pa ni tito at ipinakilala kami sa isa’t isa pero hindi na ko magpapanggap na hindi ko sya kilala dahil sooner or later nalalaman din naman nila ang totoo sa pagkatao ko “I know her tito” sabi ko kay Tito “Really, so that’s good at least hindi namahihirapan si Krystal and I will leave the two of you here dahil may meeting pa ko” sabi ni tito at umalis na kaya naiwan na lang kami ni Krystal dito sa loob ng opisina ni Tito kaya naman tumayo na ko “Wag tayong mag usap dito” sabi ko sa kanya “bakit may ayaw ka bang malaman nila?” tanong nya sakin kaya tiningnan ko sya “Let’s just talk to my office” sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng opisina ni Tito at nagpunta sa opisina ko “Don’t let anyone go in unless I say so” sabi ko sa secretary ko kaya tumango sya at pumasok na kami sa opisina ko. Sinarado ko agad ang pinto at hinarap si Krystal na nakaupo na ngayon sa couch ko kaya umupo ako sa tapat nya “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Ikaw ang dapat kong tinatanong nyang Belle” sabi nya sakin “I ask first” sabi ko sa kanya “I came here because tito Trevon ask for me” sabi nya sakin kaya napatango ako “Dito ka lang pala nagtatago” sabi nya sakin “Anong gusto mong gawin ngayon? Sabihin sa kanila kung asaan ako?” tanong ko sa kanya “Scared?” tanong nya sakin “Hindi” sagot ko sa kanya “Don’t worry Belle hindi ako tanga para sabihin kay Jd kung asaan ka dahil pag nangyari yon paniguradong hindi ka nya titigilan kay wala kang dapat ipag-alala” sabi nya sakin “Wag ka din mag alala Krystal dahil kahit makita ako ni Jd hindi na ko babalik sa kanya” sabi ko sa kanya “Sabagay may Tristan ka na nga pala, paniguradong masasaktan si Jd pag nalaman nyang ang babaeng mahal na mahal nya at hinahanap nya ng limang taon may mahal na palang iba” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Matagal na kaming hiwalay ni Jd dahil noong umalis ako tinapos ko na lahat ng samin, I already end our relationship” sabi ko sa kanya at umiling sya “Para kay Jd hindi pa” sabi nya sakin “hindi ko na problema yon dahil malinaw sakin na hiwalay na kami, Krystal sumuko na ko saming dalawa hindi dahil sa gusto ng lolo nya o hindi dahil sa mga ginawa nya sakin o kahit na sa sakin ko, sumuko ako kasi alam kong hindi ako ang magpapasaya sa kanya. I let him go para makita nya ang taong magpapasaya sa kanya dahil alam ko at ramdam kong hindi ako yon” sabi ko sa kanya “Hindi nya pa sya sumusuko sayo Belle, sa loob ng limang taon mong pagkawala ikaw pa din ang laman ng puso nya kaya hindi sya tumigil sa paghahanap sayo at ngayon malapit na nyang talikuran ang pamilya nya pag nakita ka nya” sabi saki ni Krystal “Hindi na ko babalik pa sa kanya, you should explain that to him Krystal” sabi ko sa kanya “Kahit anong gawin ko hindi nya maintindihan yon pwera na lang kung ikaw ang magsasabi” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Tapos na kaming dalawa Krystal at hindi na ko babalik pa, masaya na ko dito” sabi ko sa kanya “Pero si Jd hindi masaya kaya wag kang selfish” sabi nya sakin “Hindi ako selfish Krystal, matagal na kaming hiwalay at pabor pa sayo to kasi kung hindi ako babalik malaki ang tyansa na maging kayo ulit” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Ikaw nga ang mahal nya, kahit pa limang taon ka ng hindi nagpapakita ikaw pa din ang mahal nya” sabi nya sakin kaya umiling ako “Nasasabi nya lang yon kasi yon ang asa isip nya pero hindi ako ang laman ng puso nya” sabi ko sa kanya dahil matagal ko ng alam yon kaya nga isinuko ko na si Jd dahil alam ko sa huli magkakasakitan lang kami kung ipagpapatuloy pa namin ang relasyon naming dalawa. “Hindi ko na alam Belle” sabi nya sakin kaya tiningnan ko sya sa mga mata nya “I don’t love Jd anymore, hindi ko na sya mahal at wala na akong balak na bumalik pa sa buhay nya” sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya “Sana nga Belle kasi kung kakainin mo lang ang sinabi mo na yan pag uwi mo madami kang masasaktan lalo na si Tristan” sabi nya sakin kaya hinarap ko sya “Kung uuwi man ako hindi para balikan si Jd kung hindi para balikan ang pamilya ko at wag kang mag alala kasi si Tristan ang mahal ko” sabi ko sa kanya “Kung mahal mo si Tristan bakit mukang hindi alam nila Tito Trevon ang totoong pagkatao mo kahit na ang pangalan mo, Belle Yuri Co ang pangalan mo” sabi nya sakin kaya umiling ako sa kanya “Isabelle Claire Montes ang tunay kong pangalan, oo aaminin ko wala silang idea kung sino nga ba talaga ko pero sasabihin ko din kay Tristan ang lahat” sabi ko sa kanya at napayukom ako ng kamao ko “Sana lang talaga Belle kasi pag ako hindi ako nakapagpigil baka masabi ko sa kanila” sabi nya sakin kaya masama ko syang tiningnan “Wala kang karapatan na gawin yan saka ano bang pakielam mo dito? Sino ka ba sa buhay nila tito Trevon?” tanong ko sa kanya at kumunot ang noo nya sakin “Wala kang alam? Hindi mo ba alam?” tanong nya sakin kaya mas lalo akong nagtaka sa sinasabi nya “Anong ibig mong sabihin Krystal?” tanong ko sa kanya “I’m not the right person to say it Belle, you should ask your boyfriend instead saka sabagay nga naman pala wala din syang alam sa pagkatao mo kaya hindi nya din siguro alam at mukang ganon ka din. Destiny is really playing with all of us until now” sabi nya sakin at lumabas na ng opisina ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya, anong hindi ko alam? May hindi ba sakin sinasabi si Tristan na dapat kong malaman o sadyang iniinis lang ako ni Krystal. Hindi dapat ako magpaapekto sa kanya dahil may tiwala ako kay Tristan at paniguradong iniinis nya lang ako. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko, hindi ko dapat masyadong intindihan ang mga sinabi nya dahil ang inaalala ko ngayon ay ang malaman na nila kung asaan ako lalo ngayon na alam na ni Krystal kung asaan ako, paniguradong sasabihin nya sa lolo ni Jd kung asaan ako pero hindi na ko natatakot dahil sawang sawa na ko sa pagtatago ko at pagtakas, sooner or later magpapakita din naman ako.