Kabanata Thirty Her POV Dalawang araw na kaming hindi nag uusap ni Tristan at dalawang araw na din syang hindi nag papakita sakin at hindi ko alam kung asaan sya dahil kahit sila tito Trevon wala din idea kung asaan ang boyfriend ko. Ngayon lang kami nagkaroon ng away at tampuhan na tumagal ng ganito at sa totoo lang natatakot ako kasi baka dahil dito mawala sya sakin, napabuntong hininga na lang ako at iniligpit na ang gamit ko saka tumayo para umuwi na dahil tapos na ko sa trabaho ko at mukang ako na lang ata ang naiwan dito sa kumpanya bukod sa maintenance dahil gabi na. Mas itinuon ko kasi ang atensyon ko sa trabaho kesa sa isipin lahat ng problemang hinaharap ko ngayon at baka haharapin pa. Lumabas na ko ng opisina ko at medyo madilim na sa floor namin dahil nga gabi na kaya naglak