Kabanata 25 "HINDI ko alam na may pagka-tsismoso rin pala ang magiging gobernador namin dito," ismid ni Addison kapagkuwan pero nangingiti si Dusk habang nakatingin sa kanya. "Is that what you're really mad about, sweetie or you're annoyed because I heard everything?" He was grinning. Everything? Daig pa nito ang radar kung sumagap. Hindi lang pala ito basta tsismoso. "Sino 'yon?" Tanong nitong napatingin sa telepono. Hindi niya alam kung nagpapanggap lang ito o baka naman talagang kapapanhik pa lang nito. Mataman na pinagmasdan ni Addison si Dusk, at nang hindi ito nag-iwas ng tingin ay mukhang wala talaga itong alam sa nagiging pakikipag-usap niya. "S-Si Sgt. Kit," papaiwas na sagot niya. Dusk nodded, "Ang matinik na pulis," anitong parang nang-iinsulto sa tono ng pananalita kaya