Kabanata 26 PARANG may lahing manghuhula si Dusk, dahil nahuhulaan niya ang nasa isip ni Addison sa mga sandaling iyon na naabutan niya itong nagpupuyos sa inis at parang toro na bubulong-bulong sa may bintana, habang nakasilip. Alam niyang siya ang hinahanap nito. Iniisip siguro nito na naroon siya, nakikinood sa mga sumasayaw. Sa totoo lang, kaedad lang nito ang mga dancers, at kung gugustuhin niya ay may mabibilog siya, pero hindi siya ganoong uri ng lalaki. Hindi siya mapanlinlang ng babae para lang may sumama sa kanya at may maikama. Sa kanila, si Chaos lang ang ganoon, na handa sa lahat ng babaeng nagkakagusto roon. Kahit saan, kahit kailan, boy scout ang kanyang kapatid, laging handang tumira. At natatawa siya sa narinig niya. Sa oras daw na makita nito ang lalaki ay makikita no