IT was a good night to walk, sa labas ng kaniyang teritoryo. Maganda ang bungad ng takipsilim na malayang nagpapayakap sa gabi. At wala ng mas ikakaganda pang marinig ang bawat halakhak at ingay ng mga mortal. It was a solem moment with an empty soul. Stunning, yet lonesome.
Makita lang niya ang mga mahinahong alon sa dalampasigan ay napapatulala pa rin siya. Such beauty brought him unending nightmares. It killed him, knowing that some pieces of his heart were lost along with his broken memories.
Nyx breathed heavily. Matagal na din pala siyang nagkukubli sa kaniyang lungga. Sa sobrang tagal, hindi na niya alam kung ano nga bang talaga ang ibig sabihin ng kalayaan. Ni hindi niya alam kung tama pa ba ang kaniyang ginagawa, o may mali ba siyang nagawa.
Napasulyap siya sa ganda ng kalangitan. Pinaghalong asul, pula at dilaw ang namayani roon. It was a beautiful sight, but never to him. Para kay Nyx, ang kaniyang nakikita ay tila ba'y isang balat-kayo lamang na kahit anuman oras ay lilitaw sa kaniyang harapan ang mga bangungot na hatid ng kalangitan.
Was The Fates tried to mock him?
Napatitig siya sa babaeng kakatalikod lang sa kaniya. Isa bang tadhana na magtagpo silang dalawa o baka isa na naman itong malaking biro sa langit?
He must had been out of his mind.
Yet, he couldn't believe this girl. He could still feel her trembling cold hand while he held it a while ago. She was so scared back then -- so vulnerable -- and all he wanted at that moment was to protect her.
Save her.
Tapos, may lakas pang magsalita nang kung anu-ano pagkatapos ng nangyari?. Siya na itong tumulong, siya pa 'tong natarayan.
Woman.
Masuwerte na lamang at nailigaw niya ang mga 'yon bago niya pinuntahan ang babaeng alam niya na kanina pa natataranta. She hid in the darkest corner on an ally, pero nakikita niya pa rin niya ang babae kung saan siya nagtatago nang malinaw. His eyes were clearer at night.
At sa tagpong iyon, parang nakikita niya ang kaniyang sarili sa babaeng ito. Tumatakbo. Nagtatago. Walang kasalanan. Biktima ng kapalaran. Ngunit, nahihirapang lumaban.
Tama.
Iyon lang 'yon.
What could it be more?
If she was just nothing, then why was he still stood behind her shadows? Curiosity filled his thoughts. Ganito na ba siya katagal na walang kinakausap?
She asked for his name which he couldn't give to anyone, even to her. Pwede naman siyang magsinungaling at magbigay ng ibang pangalan na lagi naman niyang ginagawa pero hinayaan n lang itong mabadtrip sa kaniya. Kung pwede lang magpalit ng pangalan ay nagpalit na siya. O mas maganda kung biological parents na lang ang nagbago sa buhay niya.
His life would be simple.
His name is Nyx.
Ipinangalan pa siya sa diyosa ng gabi.
"And where do you think you're going?" He asked, breaking his silence. "Alam mo ba ang ginagawa mo, babae? Baka naman taas lang ng pride ang iyong pinapairal?"
Huminto ang babae. Pero, hindi pa rin nito nililingon. Maganda ang sinag ng buwan. Maliwanag. Hindi naman ito katangkaran, pero sadyang mataas talaga ang pride sa sarili.
Was he already too much?
Mayro'n din naman siyang pasensiya at alam ni Nyx na nauubos na iyon. He wanted to say that he ran towards those guys who followed her and gave them a different direction, but he shut his mouth. Gusto niyang sabihin na kanina pa niya ito tinutulungan pero para saan pa? Ni wala na sa logical na dahilan at pag-iisip ang argumento nilang dalawa.
Lumingon ang babae na kunot ang noo. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Away from you," she replied fast, wal man lang kagatol-gatol. "At huwag na huwag mo akong susundan."
At ito pa talaga ang may ganang pagbantaan siya, sabay ang pagturo sa kaniya bilang isang warning.
It was just a name, nothing more. Kahit pa sasabihin niya ang tunay niyang pangalan, may magbabago ba?
Nagkatitigan na naman silang dalawa.
Pero hindi din maipagkakaila ang ganda ng babaeng nagsalubong naman ang mga kilay . She's tall, slender, and extremely eye-catching, and she was dressed only in a white shirt and jeans. Simple ang ganda ngunit alam niyang hindi ito basta-basta. Her eyes were so fierce, contradicting to her physical appearance – fragile and weak. She was somehow different than any woman he had ever seen. Maybe because this is the only woman who looked at him like that. Madalas, puro malalagkit na tingin at tinging makahulugan ang pinupukaw sa kaniya. Hindi katulad ng isang ito na wala man lang siyang kadating-dating. May kakaiba sa babaeng 'to na hindi niya kayang maipaliwanag. Sayang nga lang at mukhang malabo silang magkakasundong dalawa. Ilang minuto lang ang kanilang naging pag-uusap kanina, at dinaig pa nila ang pag-aaway ng aso't pusa.
Kunot noon niyang sinusundan ng tingin ang babae.
"Are you sure about that?" He needed to make sure if she was fine.
"Mukha ba akong hindi? Now, get lost."
"Ang lakas na ng loob mo ngayon kasi pakiramdam mo ay safe na safe ka na. Just to remind you young lady, kanina ay wala kang pakialam na nagtatago pa sa basurahan. Afraid. Nanginginig pa. You don't even know you're safe, yet."
"At bakit mo naman nasabi na nanginginig ako e wala naman akong nakitang ilaw doon banda sa may basuran?"
He stopped.
At baka mabuking pa siya. Mas okay na ang manahimik.
Pakiramdam niya ay mali. Bakit nga ba siya nandito, in the first place? Paano nga ba niya sinangkot ang sarili niya sa isang g**o kung batid niyang mas malaking kaguluhan ang magaganap kapag may makakatunton sa kaniya?
Nyx must be out of his mind.
"Anyway, whoever you are, salamat sa tulong. Maging safe ang isip-bata na 'to. I can handle myself." Sumasagot pa talaga 'to nang hindi man lang lumilingon sa kanya.
Sa sobrang diin ng salitang 'isip-bata', now he knew where it went wrong.
"You don't know what you're saying, young lady." Gustuhin man niyang harangin ang babae, pero ano nga ba ang karapatan niyang gawin iyon?
"Wala na sila. Malayo na sila peligro. This childish brat is going home, so back off."
Now he knew why she was acting differently, it was because of his rude words. Was saying about her childishness already offended her?
Napatingin siya sa babae. He didn't mean it, but her brown eyes said so.
Napabuntong-hininga na naman siya. Wala talagang alam si Nyx sa tamang pagtrato ng maayos sa mga mortal.
Nag-umpisa na naman ang babaeng ihakbang ang mga paa ito.
"I'm sorry if I hurt you." He was serious about it.
Napahinto ang babae sa paglalakad at lumingon sa kanya. Her brown orbs said it all. Yeah, he was sure now. He had hurt her pride. Hindi man niya iyon sinasabi, but somehow, she could feel it. He could feel her pain – her loneliness – that mirrored with his. Maybe this was the reason why he was drowned with her presence.
He had to stepped back.
Or else, he would remember his face . . . and she would not be just stranger to him.
"Forgiven." Her lips curled. "Hindi naman talaga ako isip-bata. Minsan, kailangan nating magtanong ng pangalan para kahit paano ay magkakaroon iyon ng marka sa ating alaala."
Sa hindi mawaring pakiramdam, pakiramdam niya ay mas maganda pala ito kung nakangiti.
Gusto ba niya siyang maalala?
Parang gusto rin niyang ngumiti sa kaniyang iniisip.
May nakakaalala pa ba sa kaniya?
"Hindi mo kailangan ng marka kung sa bandang huli ay magiging isang peklat iyon ng iyong reyalidad."
"So, can you tell me now your name?" Mas mahinahon na ang boses ng babae. But still, it wasn't enough to open his mouth for an answer. He couldn't. Ayaw niyang may masasangkot pa sasarili niyang g**o.
This had to stop.
Tuluyan nang nawala ang mga ngiti nito sa labi nang mapansin na hindi uobra ang pangungulit nito.
Na naman.
"Masyado bang mahal ang pangalan mo? Masyadong mahirap sabihin? May tinatakbuhan ka ba?"
Yes. Yes. And Yes.
Kaso mas pinili ni Nyx na huwag nang ibuka ang kaniyang bibig. Napatigil na naman siya. Bakit ba ang kulit ng isang ito?
"I'm sorry, too, for my rudeness, miss. But let's not talk about my name. At isa pa, bakit gusto mong malaman? Why are you so eager? May gusto ko ba sa akin?"
"The nerve!" Matatalas pa rin ang mga mata ng babae na nakatingin sa kaniya nang diretso. She folded her arms around her chest.
If only she could smile again, then maybe he could whisper his name unto her hears. Kaso mukhang umuusok na yata ang ilong nito sa sobrang pagkayamot sa kaniya.
"Goodbye, stranger," pilit ang ngiti nitong nakatuon sa kaniya. "Binabawi ko na pala. Masyado kang mahangin. Akala mo naman napakaguwapo mo, lalaki. You are not forgiven. Goodbye."
Hindi alam ni Nyx kung matatawa ba siya sa pagiging uneasy nito sa kankyang presensiya.
"Hindi pangit ang lahi namin, miss." At talagang pinatulan pa niya.
"Yeah. Yeah. Yeah. Back off."
"Hindi ka pa safe, miss."
Limang metro na ang pagitan nilang dalawa. "May pangalan din ako."
He already did what he needed to do – what she needed to hear, because life was crueler, when you hope for something that wasn't in there to begin with.
Mas lalong napakamot si Nyx ng ulo. Naguguluhan. Nabibwisit. Nag-iisip ng higit pa sa kaniyang sarili. He had to take another look on her direction. Bahadyang malayo na. Kaunti na lang at mawawala na rin ito sa kaniyang paningin.
He hissed in his stupidity of words.
***
Confused, he still wasn't quite sure of his actions why he followed the girl's footsteps. Gusto lang niyang makasiguro kung ayos lang ba talaga ang isang ito. Nagtatago sa dilim, pareho silang naglalakad sa iisang direksiyon.
He stopped stalking her, if that was the right word in his doing. Muli na namang napaisip si Nyx. He expelled a long, tired breath. He needed to let her go. Hindi dapat siya nandito. He better went off to another place and stopped this silliness of his. At baka hindi lang ang nangyari kanina ang sasapitin ng babae.
Life was better alone.
However, not far away from where he'd been, he heard a gunshot. Tiningnan pa niya kung saan nanggaling ang putok ng b***l. Alam niyang hindi 'yon galing sa mga fireworks sa kalangitan. Siguro sa mga normal na pandinig ay mapagkakamalan talaga itong fireworks. Ngunit, hindi sa katulad niyang hindi namn ordinaryo.
He had to save her . . . again.