Everything seemed so perfect before she left here. Parang kanina lang ay pinagtaguan niya pa ito, bakit ganito kabilis mangyari ang trahedya at sa pamamahay pa talaga ng tita niya?
Feeling numb and helpless, hindi alam ni Cassandra kung ano ba ang dapat gawin sa mga oras na ito.
There were three strange men inside her Aunt Nimfa's house. Nasa loob ang kaniyang tiyahin. At nasa labas naman siya ng bahay. Nakamasid sa may bintanang hindi naman kalayuan sa main door, tinitingnan niya nang patago kung sinu-sino ang mga nag-iingay sa loob. Ramdam niyang may kakaibang nangyayari. Sa mga mata at kilos pa lang nila, alam na alam na niya na hindi ito bisita sa bahay. She looked closely and she realized that those were the bastards she'd encountered with.
Panic quickly ran through her nerves. She was in danger again. They were in great danger
Her heart pounded so fast all of the sudden. Hindi siya makapaniwala sa kaniya mga nakikita ngayon. Paano nangyari ito? Nasundan ba siya? Nakilala ba siya? Paano?
Napailing si Cassandra sa masamang bangungot. Sobra naman kung manukso ang tadhana. Sa kadami-daming pwedeng guguluhing bahay, bakit bahay pa ng tita niya?
Sa sobra niyang pag-aalala, gustong-gusto na niyang itapak ang kaniyang mga paa papalapit sa may pinakamalapit na pinto. Batid niyang hindi na niya inaalala pa ang kaniyang sarili. Mas nananaig sa kaniyang kalooban ang kaligtasan ng kaniyang minamahal sa buhay.
Kinakapa-kapa pa ni Cassandra ang kaniyang bulsa. Napamura siya ng malutong sa kaniyang isipan. Wala siyang bitbit na cellphone. Iniwan niya ito sa drawer ng room niya bago siya umalis kanina. Hindi naman niya kasi aakalain na may ganitong mangyayari.
God. . . masyado na akong kampante.
Napapikit si Cassandra sa sobrang pressure at stress. Kung aalis siya at tatawag ng tulong, maabutan pa kaya niyang ligtas ang tiyahin niya? Kung hindi naman siya aalis at susugod sa bahay, mas lalong wala siyang mapapala. Ayaw muna niyang mag-isip nang kung anu-ano. Kailangan niyang magpokus.
Pero, paano nga ba magpokus?
Para siyang mabibingi sa isang pamilyar na tunog na narinig niyang muli.
Another gushot from the inside. Awtomatikong napalingon si Cassandra sa bahay, naglakad nang kusa ang kaniyang mga paa, at sumilip sa bintana nang palihim. Napahinto. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod sa masalimoot na senaryo na kaniyang pinagmamasdan. Napatakip siya sa bibig, nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
Duguan at nakahandusay sa sala ang kaniyang tita. May tama sa braso habang nagmamakaawa ito sa mga lalaki na huwag siyang papatayin. Nanlambot lalo si Cassandra sa may awang ng bintana.
Kailangan niyang kumilos.
Kailangan na niyang gumalaw kundi baka wala na siyang maabutan.
Wala siyang narinig mula sa labas, pero kitang kita niya ang pagtutok muli ng b***l ng isang lalaki sa Tita niya. This time, nakatutok ito sa ulo. Malamang para tuluyang mamatay na ang tita niya. Walang mga awa, nakaratay na nga sa sahig, papaslangin pa.
To save her aunt was to buy time.
Halatang hindi bibigyan ng awa ang tita niya.
"Maawa kayo kay Tita!" malakas na sigaw ni Cassandra.
Kailangan niya ng distraction.
At siya mismo ang distraction.
At nagtagumpay si Cassandra. They all heard her voice. Nagtama pa ang kanyang mga mata sa lalaking nakaharap pa kanina lang. Medyo ngumisi pa ito na parang tuwang-tuwa pa na makita siyang muli.
Napasimangot si Cassandra habang lumalayo na sa bintana. Disgusted. Maya-maya pa, nakita niyang sinenyasan na nito ang isa pa, inutusan na 'yong lalaking lumabas para habulin siya.
Taranta si Cassandra, hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Unang una, wala siyang kakayahan para kalabanin ang mga ito. Pangalawa, kapag mahuhuli siya, sino na lang ang tutulong sa kanyang tita? At pangatlo, hindi talaga gumagana ang utak niya. Wala na talaga siyang magawa pa kundi ang lumayo muna.
She ran away to save first her life, hopefully she could find help too. Mahirap man iwan ang tita sa ganitong klaseng sitwasyon ay wala siyang magagawa. Mabigat sa loob pero kailangan.
Teary eyed, without looking back, she ran as fast as she could.
Nakita niya ang isang malaking kahoy sa daan. Nakaisip siya ng isang idea. A stupid one. The hell she cared, she needed to do something. Pinulot niya ito at naghanap ng pwedeng matataguan. She needed to act something for her aunt. Hindi dapat siya maunahan ng takot. Hindi dapat..
But she was..
Nanginginig ang mga tuhod niya at mga kamay niya, nagtatago sa isang puno na nandun. Maya-maya pa, rinig na niya ang mga yapak ng humahabol sa kanya. She held the piece of wood so tight with her two bare hands. She needed timing. She needed force. She needed prayers.
Like a hunter waiting for her bait, she waited patiently.
And then her right moment came.
Hinampas ni Cassandra nang ubod ng lakas ang ulo ng lalaking humahabol sa kanya. Nabitawan ng lalaki ang bitbit nitong b***l sa daan. But still, it was not enough. So she hit him hard again, hoping that he would collapse in front of her, but he was not.
She began to panic.
Malay ba niyang hindi pala totoo 'yung mga napapanood niya sa movies, na mawawalan ng malay kapag hahampasin ng kahoy. Gees. She was really in big trouble because of her stupidity!
Mas lalong nag-panick ang kalooban niya nang hawakan siya nito sa braso. Daig pa niya kinaladkad sa daan papunta sa direkyon ng bahay ng Tita niya. Sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito, ramam ni Cassandra ang sakit.
"Let me go!" She screeched in horror. Literal siyang kinakaladkad sa lupa. "Bitawan mo ko sabi, eh! Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!"
Kahit gaano kalakas ng sigaw niya, alam niyang hindi siya nito pinakinggan.
"Masasayahan si boss nito," he laughed. At hinding hindi ito nagugustuhan ni Cassandra."Biruin mo, ikaw pala yan. Tumakas ka pa kanina eh sa amin ka pa din pala babagsak!"
Nakilala din siya. Ang malas!
"Ako na lang ang ipalit niyo kay Tita. Huwag niya siyang idamay dito! Maawa kayo sa matanda!"
"Maawa ka sa sarili mo kapag makarating na tayo sa bahay niyo. At isa pa, tarantado! Iwas suplong sa mga pulis, mas maganda kung walang witness."
Ayaw na ni Cassandra na mag-isip pa dahil mas lalo lang siyang matataranta. Pero ano ang magagawa niya? Even her, nasa alanganing sitwasyon na rin.
Her tears fell instantly. She was not afraid. For her, she was not afraid of death. Naiiyak lang talaga siya sa sobrang pag-aalala niya sa tita niya. Ilang beses na siyang pumipiglas subalit masyado siyang malambot. Sobra na siyang naiiyak sa sitwasyon niya ngayon.
Kung hindi sana siya nag-inarte kanina.
Kung nagpasama lamang siya sa lalaking estranghero na iyon.
Madali lang sana ang lahat.
Humahagulhol pa siya nang biglang huminto ang lalaki. Her eyes were blurry due to her tears. May naaninag siyang anino sa kanilang harapan. Halatang hinarangan nito ang daan para hindi sila makalakad pa.
"Hoy ikaw! Sino ka?" singhal nang kumakaladkad sa kaniya. "Huwag kang mangialam dito, gago! Asawa ko 'to. Nakita kong may kalaguyong lalaki kaya pinapauwi ko na sa bahay! Huwag kang mangingialam dito, gago!"
Napatitig si Cassandra sa pamilyar na mukha. Mas kakaiba ang presence ng lalaking ito kaysa kanina. This time, his handsome face was even more serious. His sober eyes were like some eyes of a demon. Frightening. Nakatingin ka lang sa kanya pero ramdam niyang kakaiba ang aura nito kaysa kanina.
Napailing-iling si Cassandra. Hindi ito ang sinasabi ng lalaking ito. This stranger had to believe him. Parang mas gusto niyang umiyak pa lalo habang nakatingin sa bagong dating.
"Gumalaw ka diyan, mamatay ang tiyahin mo sa loob," bulong nito sa kaniyang kanang tainga.
"Babe, ito ba ang asawa mo?" tanong ng estranghero sa kaniya na mas lalong nagpa-shock sa kaniya nang husto. "No wonder, pinatulan mo ako. Mas masahol pa pala sa asong ulol ang inasawa mo. Ilang galong gayuma ba ang nilaklak mo babe para patusin mo iyan?"
Napanganga si Cassandra sa narinig. Ano ba ang mgapinagsasabi nito?
Ni hindi nga niya ito kilala..
"Aba'y putang ina mo!"
Binitiwan siya ng lalaki at sumugod sa bagong dating. Ilang beses itong nagtangkang manuntok, pero ni isa ay hindi man lang ito nakatama.
"Putang ina mo! Gago! Huwag kang mangialam dito!"
Sa labis na pagkayamot, bumalik ito sa gawi ni Cassandra na nakatutok na ang b***l. Na-freeze na naman siya na siyang nagging dahilan at nahawakan na naman nito ang braso niya.
"Bitawan mo siya," he said, more on a command than a request.
"Umalis ka dito, gago! Kung ayaw mong mamatay ang babe mo, huwag kang mangialam!"
Naramdaman na ni Cassandra ang patalim nito sa kaniyang leeg. Sa sobrang lapit, parang ayaw na niyang huminga.
Kalmado lang. Hindi yata alam ng isang ito kung gaano kaseryoso ang sitwasyon nila ngayon.
"Ang sabi ko, bitiwan mo iyang babe ko."
Hindi niya iyon babe! Namula na ang pisngi ni Cassandra.
Ngumisi lang ang lalaki sa kanya, sabay humarap kay Cassandra. "At sino ka naman para sundin ko, tang ina mo!" Tinutok na ng lalaki ang b***l sa kaniyang sentido at dahan-dahang nag-iba ng target.
Sa lalaki naman.
Ready to fire...
Sa sobrang takot, napapikit si Cassandra. Ayaw niyang masaksihan ang mga susunod na mangyayari. Sapat na ang sakit at pagkagulat na nakita niya sa tita niya kanina. Ayaw na niyang maulit pa o masaksihan pa niyang muli.
Dapat hindi na siya nagpakita pa.. may mapapahamak na naman.
Five long seconds passed, dapat may narinig na si Cassandra na tunog ng b***l.
To her surprised, wala. Hindi pumutok. She slowly opened her eyes. Mas nagulat pa siya, bumulagta sa tabi niya ang lalaki at hindi yung ini-expect niyang bubulagta, lalong-lalo na at hawak pa rin nito ang b***l sa kaniyang kamay.
Paano nangyari?
Tiningnan niya ang lalaki na wala ng malay, pero wala naman dugo sa katawan! Weird.
Lumingon naman siya sa lalaking mukhang hindi man lang pinagpawisan. Para siyang nanood ng magic show. 'Yon nga lang, hindi niya alam ang naging trick.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Tiningnan niya din ang gwapong lalaki sa pangalawang pagkakataon. Walang emosyon sa itsura. Nakatingin din sa kanya. Pogi sana, pero bakit pakiramdam niya ay mas kailangan niyang matakot dito?
"Ano'ng ginawa mo sa kaniya?" Hindi na siya nakatiis. "Hindi ko iyan asawa!" pagtatama niya habang nakatingin sa direksiyon.
"I know," mahina nitong tugon. ""Ayos ka lang ba?"
Tanong ang isinagot sa kaniyang tanong. "A-Ayos lang ako."
Tahimik lang si Cassandra. Pareho silang nakatingin sa isa't isa. Para siyang napahiya bigla sa inasal niya kanina tapos ito pala ang tutulong sa kanya.
Hindi siya okay.
"Lumayo ka na dito," utos nito sa kaniya . Alam niya di din 'yon request. Kakaiba din ang isang ito, tama bang utusan siyang lumayo nang gan'un na lang?
Pero, parang wala ng naririnig pa si Cassandra. Tinatanaw ang bahay na hindi naman kalayuan sa lugar nila. Tumulo na naman ang mga luha niya. Naalala niya ang Tita niyang nakahiga na sa malamig na sahig. No. Hindi siya pwedeng lumayo na lang at pabayaan ang tita niya.
Without thinking, she walked towards her aunt's house.
Pinigilan siya.
Naramdaman ni Cassandra ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
"Are you insane?"
Insane na kung insane but no one could stop her.
Not even him.
"I need to save my aunt," she answered.
Pigil ang kanyang paghikbi para naman masabi niya sa kanyang kaharap na matapang at matatag siya. "May tama siya sa braso. Baka maubusan na siya ng dugo. Baka 'di ko na siya maabutan pa. She needs me. Please, I need to save my aunt."
Nasaksihan pa niya itong napabuntong-hininga, bago siya nito binitiwan.
"Then I will go with you."