"DON'T do anything stupid. He warned Cassandra. "Dito ka lang," dugtong pa niya habang kapwa sila nagtatago sa ilalim ng puno sa labas ng bahay.
Tinatanaw nila ang nangyayari sa loob buhat sa isang bintana na hindi naman kalayuan sa kanilang dalawa.
Nagmamasid.
Naghahanap ng paraan para makapasok sa loob.
Thankful pa rin , buhay pa ang tita ni Cassandra sa loob ng bahay. Nakita nila itong nakatali sa may sala. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Pero hindi pa din sapat iyon. Nahihirapan siyang tingnan ang kanyang tita na ginapos sa isang upuan na hindi kalayuan sa pinagbarilan nito kanina. Kita sa malayo ang duguang marmol na sahig at ang dalawa pang mga armado sa loob.
Ang isang lalaking armado ay nakatayo sa pintuan, nag-aabang sa mga paparating. Ang isa naman ay katabi ng tita niya, binabantayan nito. Sinisigurado na hindi ito makakatakas.
"Sa tingin mo ba narinig ng mga kapitbahay o ibang taga-isla ang putok ng b***l?" bulong ni Cassandra sa kaniyang katabi.
"Wala kayong kapitbahay. At kahit madinig iyon ng iba, aakalain nilang fireworks iyon."
Cassandra gave a sad glance to her wounded aunt. Kung sana hindi lang sila ang nakadinig sa putok na b***l na 'yon, mas
Nabaril na nga.. tinali pa..
Anger filled her. Mga walang awa sa matanda! Ang sarap niyang sugurin ang mga ito sa loob pero nagtitimpi lamang siya.
"Nakikinig ka ba?" seryoso nitong tanong sa kaniya.
"Ha? Ano ba'ng sabi mo?" Parang wala naman siyang nadinig. Sa sobrang pokus niya sa loob ng bahay, parang wala naman itong sinabi.
"Let me clear this out again. Dito ka lang. Ako na ang papasok sa loob. Stay here. 'Wag kang gagawa ng ikabibigat ng sitwasyon."
She narrowed her eyes to this strange man. Surprised to what he'd just said, she needed to react. Her aunt was in great danger and he wanted her to just hide herself under the tree?
Okay!
Something was not right in here!
Who the hell was he to demand in a moment like this?!
He's just a total stranger!
Nagtama ang kanilang mga mata. Matatalas ang mga titig niya pero wala man lang itong pakialam.
"I don't trust you!" she yelled, na mabilis din namang tinakpan nito ang bunganga.
"As if you have a choice, woman."
Napatingin na naman siya sa gwapo nitong mukha. Pakiramdam niya parang mas ma-appeal pa 'to sa mga model ng magazine o pinakagwapong leading actors sa buong mundo. Nakakagulat at may ganito pa lang nilalang sa mundo?
Was he for real?
A stranger who helped her not just once.. A very handsome stranger who didn't like to give his name.. A creepy stranger who just knocked down a man twice his size.. A stranger who loved to demand.. blah blah blah! And so? I'm not scared.. And I really don't care!
Ayaw talagang patalo ng utak niya. Napahinto si Cassandra sa kanyang pag-iisip at tiningnan ang lalaking nasa tagiliran niya.
"Aunt Nimfa needs me", she insisted. "Promise, hinding hindi ako magpapabigat sayo sa loob ng bahay. Makuha lang natin si Tita sa loob, aalis na tayo. Takasan na natin 'yong mga 'yan. Please--," she paused, nagpapa-awa effect, pouting her red lips, at baka magbago pa ang isip ng isang 'to. "Let me go with you."
This time, their eyes met a bit longer. Ang kumuwala ng titig ang siyang talo. She had seen him heaved a sigh.
"You are such a hard-headed girl you know."
She rolled her eyes. Malamang matigas ang ulo niya sapagkat buhay ng tita niya ang nakasalalay dito.
"Gusto ko lang tumulong."
"Palalain mo lang ang sitwasyon," mas seryoso pa ang mukha ng lalaki pero ang gwapo niya pa ring tingnan. 'Yong tipo ng mukha na hindi nakakasawang pagmasdan. Ang his lips . . bumaba ang tingin ni Cassandra sa mapupula nitonhg labi.
Namula siyang bigla sabay iwas ng tingin. May kakaiba sa lalaking ito. He could capture hearts without knowing. Masyadong deadly.
Napailing bigla sa kanyang iniisip. Guilty.
"Hindi ba pwedeng dito ka na lang? Habang nagdidebate tayo rito, mas lalong mamemeligro ang tita mo."
"I-I'm not a burden. I can help."
"Yes, you are."
"Whatever you say, I will still go with you."
"Gusto mo, pati ikaw, itali ko din sa puno?" Nakukulitan na sa kaniya ang lalaking ito.
Ramdam 'yon ni Cassandra. Napatingin tuloy siya sa lalaking walang malay na tinali nito kanina. Grabe, hindi pa din siya makapaniwala na gan'on lang kabilis natalo ang isang 'yon.
Cassandra went silent. They were both pissed. At wala siyang balak magpatalo sa isang 'to.
"As if naman may dala kang tali!"
"Dare me, and I will."
Nagtitigan sila pareho. Na naman. 'Yong tipong titig na kung sino ang babawi, siya ang talo. Walang gustong magparaya ng desisyon. Parehong determinado.
Pero bakit pakiramdam niya ay para siyang matutunaw sa mga titig nito?
He was determined to save the old woman alone while she was determined to save her aunt with him. Kung tutuusin, simple lang naman ang usapan kaso ginagawa nilang dalawa na komplikado.
In the end, Cassandra's face became poignant. Kahit ano ay gagawin niya basta makasama lang siya sa loob. Time was running out. Habang nagdedebate sila dito ay nauubos naman ang oras ng tita niya sa loob. May tama na naman ang kausap niya. Mamaya, iyon naman ang tatamaan niya sa sobrang pagmamando.
Gusto na niyang pumasok sa loob ng bahay. Gusto na niyang tulungan ang kanyang tita para maipadala na sa hospital.
"Please...I beg of you. Let me come with you, for my uunt," she held his hand.
She felt cold. His hands are so cold it made her shiver.
Mabilis lang n ni-let go ni Cassandra ang kanang kamay nito.
? ? ? ?
IT was so tender..
he felt his heart beat for the first time. No one ever dared to hold his cold hand like what she did. Her warm delicate hand, made him to believe that he was still a human instead of what he really was deep within... a monster.
Maya-maya pa, naramdaman na lang niya ang mga luha nitong nag-uunahan sa pagpatak. It was not the idea of making her cry. Ang gusto lang niya ay maging safe siya habang ililigtas niya ang sinasabi niyang tita sa loob. Looking her aunt from the outside, he had felt pain and anger deep within. Women should be respected at all times. They should be loved...not hurt them.
He sighed again. K'unting-k'unti na lang, magiging numero uno na sa HATE LIST niya and salitang PLEASE. Paano ba niya matatanggihan ang babaeng ito?
Hindi niya alam pero automatic niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito at pinahid ang mga luha niya.
Damn.
He hated to see a woman cry.
He heaved a sigh for the third time. Useless na kung susundin pa din niya ang kagustuhan niya. Hindi din naman ito magpapapigil sa kanya.
"Okay," sabi niya pero sa totoo lang, hindi siya sigurado kung tama ba ang naging desisyon niyang payagan ito. "But before we enter the house, we need a plan, okay? At gusto ko sumunod ka sa 'kin. Masyadong delikado ang sitwasyon sa loob. Gusto ko, mag-iingat ka."
He had seen her nodded with a smile. She knew she had won from their silent war. Kitang kita nito ang pagliwanag ng kanyang madilim na mukha. Bakit ba pakiwari niya, mas lalo siyang gumanda? Kitang kita pa niya ang magkabilang dimples nito kahit pa madilim.
Looking at her, she even looked more stunning, like a rare flower in a garden. Like an angel sent from heaven above, this woman really caught his attention. Feeling niya, may hindi siya maintindihan sa kanyang nararamdaman. Hindi niya gusto ang simpleng pagtugon ng puso niya dahil lang sa isang ngiti. Nagbigay siya ng kaunting distansiya sa kanilang dalawa. Ayaw niya ang pakiramdam na ito.
He felt more human . . .
But he was not.
A living hideous monster came from hell itself, he grasped his breath. How could he think like this in the middle of a situation?
Kailangan nang magpokus.
________________________
"Hindi pa siya nakakabalik. Mas mabuti pang sundan mo siya," rinig nilang dalawa habang naghahanap ng daan papasok nang hindi nahahalata. Nakita nilang lumabas ang pangalawang suspect. Palinga-linga pa sa paligid. Nakasimangot.
Cops were on their way. Mabuti na lang at may dalang cellphone itong lalaki na kasama ni Cassandra. Tinawagan nila ang mga pulis kaagad kahit na hindi pabor sa lalaki ang pagtawag sa mga pulis.
What's wrong with that? They need help. At dapat lang na makulong sa bilanguan ang mga taong nanloob sa bahay ng tita niya!
Dumaan sila sa terrace, sa may gawing gilid ng bahay. Pumasok sila mula sa second floor. Mga magnanakaw pala ang mga ito. Nakita nilang nagkalat ang mga alahas at pera sa may center table. Mukhang paalis na yata ang mga ito siguro kanina kung hindi lang nila nakita si Cassandra na sumisigaw sa labas. Alam ni Cassandra na kailangan nilang hulihin siya.
Isang witness.
Ang plano nilang dalawa, maalis ang tita niya dun at madala 'agad sa hospital. Unconsious na dahil na rin siguro sa mga dugong nawawala sa katawan. Si Cassandra ang bahala sa tita niya habang ang kasama naman niya ang bahala sa dalawang natitira.
Walang bantay ang tita niya, chance na nila ito. Wala dapat papalpak sa mga napagplanuhan. Wala dapat.
Habang busy ang isang suspect sa pagtingin sa labas, hinihintay ang dalawang kasamahan na bumalik, agad ding tumakbo nang maingat si Cassandra sa tita niya. Dahan-dahang, kinalagan ang taling nakapulupot sa mga kamay nito. Samantalang busy naman ang kasama niya dun sa sala. Nakikipaglaban na pala nang mag-isa.
God!
Ang weird talaga ng isang 'yon.
Sa amo ng mukhang meron siya, hindi niya inakalang magaling pala ito sa labanan. Dinaig pa isang black belter sa karate. Hindi naman masyado macho pero ang lakas sumuntok at sumipa.
At ang pinaka-weird sa lahat, bumulagta na naman ang kalaban niya sa sahig. Walang malay. Eh wala naman siyang ginawa masyado.
Parang katulad lang kanina.
Her mind filled with curiousity over this man. Lumapit ito sa kaniya na para bang wala lang ang lahat. Mukhang cool pa rin ang prrsensiya nito. Ni hindi man lang nahirapan. Walang galos. Ni damit, parang wala man lang gusot.
"Tao ka bang talaga?"
Pero siyempre, hindi na tinuloy ang tanong na 'yan. But still, no ordinary man could do something like that. Wala sila sa Hollywood movies na pwede ang mga impossible. This was real.
And this man was not.
He was just to good to be true.
"Let's go", he said.
Kalmado pa din. Isa pa sa katangian nito na pinagtatakhan ni Cassandra. Talagang nakapagtataka.
Binuhat niya ang tita ni Cassandra palabas ng bahay nang wala man lang kahirap-hirap. Sumunod si Cassandra na tahimik lang na naglalakad palabas. Sa mga oras na ito, she had felt relief. Wala na sila sa matinding peligro.
Ligtas na ang lahat.
Mabuti na lang at on time ang mga pulis sa pagdating. Nahuli na nila kaagad 'yong isa pa sa daanan at nakuha na rin nila yung isa na tinali nila sa may punong kahoy.
Lumapit ang mga pulis sa kanila. Hinuli na rin ang nasa loob na suspect na wala pa ring malay. Habang busy naman si Cassandra sa tita niya, dali-daling sinakay ito sa ambulansiya. Nakapocus siya sa tita niyang nakakaawang pagmasdan. Hindi pa niya nasasabi sa parents niya ang nangyari ngayon.
Baka mamaya pa.
All she could think of was her aunt to be okay. She would be safe.. Everything was doing fine.
"Thanks to...
She gazed to his place. "..him"
Already gone. Wala na ito na parang bula.
For the second time, he left her. Just like before, he didn't tell her his name.
Nalungkot siya bigla. Hindi man nagpaalam. Hindi man lang siya nakapagpasalamat. Para ngang isang panaginip. He was just to good to be true. . .
Napatingin si Cassandra sa langit. Bilog ang buwan. Maliwang ang gabi. Muli na naman siyang napasulyap sa puwesto kung saan niya huling nakita ang lalaki.
Napatanong siya nang wala sa oras. Hibang na nga siya. Nagbabasakali.
Will I ever see you again?