HE would remember her. Her voice. Her face. Her love for his aunt. And the way she protected what she mattered most, he would definitely remember her.
Kay tagal na rin siyang nangungulila sa ganitong senaryo. It felt more human. It gave him warmth from the inside.
Isang huling sulyap buhat sa malayo.
Nakita pa niyang paligon-lingon ang babaeng 'to sa iba't ibang direksiyon na para bang may hinahanap.
Malamang siya ang hinahanap nito. Mabuti na lang at nakatago siya kaagad bago pa man magsidatingan ang mga pulis. Magiging komplikado lang ang lahat sa oras na may isa na makakakilala sa kaniyang tubay na anyo.
Isa pang sulyap. Hindi pala huli ang nauna. Why can't he stop staring at her?
Matigas ang ulo. Wala sa hulog magdesisyon. Akala nito ay sobrang tapang na niya, pero iyakin naman.
Natawa nang bahagya si Nyx.
Maybe this would be the last that he would see her.
A slight of regret was there but it didn't make any sense. Part of him wanted to go back, another part of him wanted to go away. Pailing-iling pa siya habang paatras na naglalakad at tuluyan nang nagtago sa dilim.
It's time to leave this place. . .
Nagteleport siya papauwi sa kaniyang tinitirahang mansiyon. Una niyang napansin ang isang higanteng salamin na nakalagay sa may guest room. Mukha pa rin siyang teenager. Pwede namang patandain ang sarili niya ng ilang taon subalit mas gusto niyang makita anh kaniyang sarili na minor de edad. Halos okupado ng salamin ang kabuuan ng dingding. Sinadya niya talaga itong gawin, to remind himself that he was nothing but a curse.
He was almost 100 years old. Pero dahil isang demigod si Nyx, batid niyang hindi siya basta-basta tumatanda, hindi katulad ng mga ordinaryong mortal.
Makakilala siya ng mga kaibigan. But at the end of the day, they would leave him behind. Hindi dahil sa pagtatraydor kung 'di sa labis na katandaan.
Ang magmahal nang isang tao ay sadyang purong sakit lang ang maidudulot nito. Habang buhay na dadalhin ang bigat at sakit samantalang ang pinagluksaan nang matagal ay matagal na ring nakalaya sa pagmamahal.
Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan habang nakapokus ang kaniyang paningin sa imahe ni Nyx, ang diyosa ng Gabi, na naka-display sa center point ng sala.
Maganda ang diyosang ito pero isa pa lang delubyo. Dito kinuha ang kaniyang pangalan. Parang katulad ng kaniyang tadhana na tila ba ay hindi niya matatakasan.
He went home for him to relax, if home really was the right word for that.
No family to talk to. No servants. No friend. Ito ba talaga ang sinasabing tahanan? Sa sobrang tagal na niyang namuhay mag-isa, hindi pa rin siya makapaniwala na isa lang siyang patapon sa Olympus. Pagala-gala sa kawalan, napaisip siya kung ganito na lang ba siya habangbuhay.
He was nothing.
Naupo siya sa sofa. Kailangan niyang magrelax at ituon ang kaniyang sarili sa kaniyang bukod-tanging misyon.
Iyon ay hanapin ang isang bata na minsan nang sinagip ang buhay niya noon. Mayroon sana siyang kakayahang mag-teleport, pero tinanggalan niya ng access ang sarili sa batang iyon dahil sa labis na pangamba na baka matunton ito ng mga immortal na naghahanap din sa kaniya.
N'andito si Nyx sa islang na 'to dahil sa isang pangakong binitiwan. Pero sa sobrang tagal na noon, he wondered kung nandito pa ba ang taong hinahanap niya. Sa sobra niyang tagal na nakakulong sa kaniyang isla, ngayon lang siya nakalabas.
At paano niya iyon makikita?
A promise was a promise. Yet, he doubted his mind, kung ito nga ba ang dahilan kung bakit halatang excited siya ngayon.
Sa paglisan niya sa kaniyang lungga, soon, they would trace him easily. Pero bago pa man mangyari iyon, sisiguraduhin niyang mahanap ang batang iyon sa lalong madaling panahon.
Napatingin siya sa kaniyang kamay. He felt so tired. Napasobra rin siya ng gamit ng powers niya. He was drained completely. His body needed some rest. Hindi naman kasi madaling gumamit ng powers kung hindi naman siya fully god.
Si Nyx, isa siyang demigod, anak ng isang diyos. Isang bagay na kailanman, hindi niya ginusto at lalong hindi niya ikinatuwa. A part of being a demigod was a gift, another was a curse. But base upon his past experiences, it was just a curse.
Ang bahay niya nasa ilalim ng kuweba sa gilid ng isang pampang. Akala na lahat wala lang kung titingnan pero kung sasadyain palang pasukin ito, mayroon palang malaking mansiyon sa loob.
He had enormous wealth one could ever imagine. Noong hindi pa niya alam ang kaniyang katauhan, naalala pa niya ang kaniyang ina na nakapag-asawa pa ng isang duke sa ibang bansa.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang ina, madalay ay palagi siyang binubugbog ng kaniyang ama. Isa siyang bastardong anak.
Hindi rin nagtagal. Namatay ang ina niya noong seven years old pa lang siya at naiwan siya sa kanyang amain na ni katiting na pagmamahal para sa kanya, walang maibigay. Kahit awa na lang sana, wala pa rin.
His life was utterly miserable.
Dahil sa pagkamatay din ng amain nito at ng kaniyang ina, ang ilan sa kanilang mga pagmamay-ari ay naipamana sa kaniya. At dahil matagal na ang panahon na iyon, iba na nag halaga ngayon sa kaniyang mga pagmamay-ari na.
Nyx smiled bitterly.
Kung may nagawa mang tama ang stepdad niya, ito lang iyon at wala ng iba.
He could still remember everything. All the sufferings he felt, the mistakes he made, the betrayal of a love one, and the lies he heard.
He had no good memories except the memory of his loving mother. The only person who loved him so much, the only person who cared for him, the only person who accepted him.
She alone understood him.
But she died, living him in agony.
Sa sobrang bait ng ina niya, malamang nasa langit na 'yon. She deserved heaven while her own pity son belonged to the fires of hell.
He was still nothing.
At kasalanan ito ng mga diyos sa Olympus! Napaka-irresponsable sa mga anak nila. Sana hindi na lang sila nagparami ng lahi. Sana hindi na lang siya binuhay kung ito rin naman ang magiging buhay niya.
Tumaas na naman ang pressure ng dugo niya sa labis na pag-iisip.
And this girl. . .
? ? ? ?
MALAYO na sa peligro.
Still in the hospital, binabantayan ni Cassandra ang tita niya na magising. Kakalabas lang nito sa emergency room at ginamot na ang tama ng b***l. Hindi niya namalayan ang oras. Mag-uumaga na pala pero hindi pa rin nakaramdam ng antok.
Pinagmasdan niya ang tita niyang mahimbing na natutulog sa kama. Wala pa itong malay simula kanina. Nalulungkot siya pero nagpasalamat pa rin siya sa Diyos at okay na ang tita niya.
Nakaupo siya sa gilid ng kama nito. Holding her aunt's hand, Cassandra wiped her tears. Sobrang guilty niya sa mga nangyari. Kung hindi lang sana siya umalis ng bahay no'ng mga oras na ‘yon, baka iba ang nangyari. Baka, hindi sasapitin ng tita niya ang masaklap na karanasan na 'yon.
Pero, ang pagsisisi, palagi namang nasa huli.
Nawala ang kaniyang atensiyon sa kaniyang kaharap nang biglang nag-vibrate ang phone niya sa may gilid. Ito talaga ang una niyang hinablot sa bahay nila.
She heaved a sigh, nang mabasa ang pangalan ng taong tumatawag. Nabasa na siguro nito ang message niya.
It was her father.
"P-Papa . . . " nauutal siya.
She wanted to tell him everything, that she was scared and alone but she lost out of words.
“P-Papa, punta ka na here please."
“An'ong nangyari?” His voice was still cold. Ni hindi man lang naramdaman ni Cassandra ang pag-aalala nito sa kapatid.
“Nilooban po 'yung bahay. Nabaril po si Tita Nimfa. Still unconscious but she’s okay now. Nahuli na din po 'yong suspects.”
“Mabuti kung gano'n.”
“Pa, we need you here. Please come home.” She begged.
Tumahimik papa niya bigla. Narinig pa niyang nagbuntoong hininga pa bago nagsalita ulit. “You both know I can’t do that baby. May emergency sa business natin dito. Sinabi ko na yan sa 'yo bago kami umalis, hindi ba? If pupunta ako diyan, baka mawala sa atin 'yung new branch natin dito. We can't affod it to lose.
"Papa, uunahin mo ba iyan kaysa sa amin dito? Hindi pa ba emergency na nabaril si tita at kamuntik nang mapatay? Uunahin mo pa talaga ang pera kaysa sa pamilya? Papa naman!"
"Baby . . Lahat ng ito ay para sa iyo at sa future mo. Ang sabi mo 'di ba, okay na kayo. There is nothing to worry about. You're strong."
Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Cassandra. "Am I strong? Papa, I said we need you here. Please be here. Kahit hindi na sa 'kin. Kahit kay Tita Nimfa na lang. Please. . . "
"Huwag nang matigas ang ulo, Cassandra. I said, I can't. Pero pupunta ako riyan. Promise. I'll make a sched."
"Pero, Papa . . . "
Pinatay na nito ang tawag at tuluyan nang dumaloy sa kaniyang mga pisngi ang mga luha na kanina pa sana pumatak.
Siya naman ang bumuntong-hininga habang nakakuyom ang mga palad. Minsan iniisip niya, kahit siguro siya mismo ang mapapahamak, hindi magmamadali ang papa niyang tulungan siya. Parang nasa negosyo na lang ang buhay ng papa niya. Parang wala na din siyang kwenta.
Parang hindi siya anak.
Parang wala siyang halaga.