ANO ba ang mayroon sa babaeng iyon at parang hindi niya iyon matanggal-tangal sa kaniyang isipan?
Napailing-iling si Nyx nang makita niya ang kaniyang sarili sa labas ng ospital. Napatingin siya sa malaking building na pininturahan ng puti. Mas lumaki at gumanda ito kumpara sa huli niyang sulyap noon.
Mabuti naman at kahit paano ay may napala ang pera niya sa mundong ito. Ilang taon na rin siyang benefactor sa ospital na ito para magkaroon ng massive renovation. Maganda ang facility. High tech ang equipments. Lahat ng dalubhasang mga doktor ay nandito sa ospital na ito. Subalit, abot kaya lang ng mga mamamayan ang gamot at halos libre na rin ang serbisyo.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit kilala ang isla na ito sa buong mundo.
Ganun pa man, mananatiling anonymous ang kaniyang identity dito at wala siyang planong magpakilala pa.
Malapit nang suminag ang Haring araw. Dapat ay wala na siya rito. Nahihibang na yata si Nyx. Unaware of his stupid actions, kailangan niyang ayusin ang takbo ng utak niya.
She was just a mortal.
Dagdag pa ang sakit iyon sa ulo.
Pero, bakit gusto niya pa ring masilayan ang babaeng iyon?
"I-Ikaw . . . " Pamilyar ang boses.
Napalingon si Nyx sa kaniyang likuran.
Her brown eyes met his. A feel of a sudden urge to touch her cheek, ngunit mas pinili niyang tumayo roon at huwag gagawa ng mga hakbang na pagsisihan niya sa huli.
May bitbit ang babaeng ito ng plastic na laman ay mga gamot. Sa kabilang kamay naman ay hawak-hawak niya ang plastic cup. Naamoy ni Nyx ang tapang ng kape.
"Bakit nandito ka?" pagtatakang tanong ng dalaga.
Bakit nga ba siya nandito? Kahit siya, gusto niya ring sagutin ito.
"Napadaan lang," pagsisinungaling niya.
She smiled shyly.
It was so odd to see her smiling like that. Siguro ay nasanay na siyang lagi itong nagtataray at nagsusuplada.
Still she could smile after what just happened to her.
"Nawala ka. Hinanap kita pero hindi na kita makita."
Nasa labas sila ng ospital. Nasa gilid ng kalsada, sa ilalim ng streetlight na may ilaw pa rin. Malamig pa rin ang simoy ng hangin. Subalit, pakiwari ni Nyx ay hindi na kasing lamig no'ng naglakad siya nang mag-isa.
Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata. Nakatitig lang sa kaniya ang babaeng tinulungan niya.
"Kumusta ka na?" Nyx asked, hindi n niya mapigilan ang kaniyang sarili.
"O-okay. Okay naman ako." Parang nauutal pa yata itong sumagot.
"Are you sure?" paninigurado ni Nyx.
Tumango-tango ito sa kaniya na para bang namamangha o nagugulat sa kaniyang presensiya.
Umalis talaga siya nang sadya para makita lang ang babaeng ito pero hindi niya alam kung anong dahilan. Siguro dahil, nagi-guilty siya sa ginawa niyang pang-iwan kagabi.
He was glad he'd found her...safe.
"Akala ko di na makikita eh," sabi nito na may ngiti pa sa labi. "Akala ko, hindi ko na masasabi sa 'yo 'to," she looked at him with sincerity in her eyes, "Salamat. Utang ko sayo ang buhay naming dalawa ni tita."
Tahimik lang si Nyx. Pinagmasdan lang niya ang babaeng nagsasalita. Mas maganda pala siya tingnan sa liwanag ng umaga kaysa sa liwanag ng buwan.
It's time for him to go.
"Walang anuman 'yon. Sige, miss." Tiningnan nang makahulugan ni Nyx ang gamot. "Mukhang kailangan ka na ng tita mo."
Tumalikod si Nyx.
Nagsisimula na siyang maglakad papalayo sa babaeng hinanap niya. There was something in her that could attract him this easily. He wondered why.
"Teka!" sigaw nito.
Tumigil si Nyx pero hindi na siya lumingon pa.
"Sama ka na lang sa 'kin," aya nito pero walang balak si Nyx na sumama.
Ang gusto lang niya ay makita siyang buo at ligtas. At nagawa na niya 'yon. Hindi na niya kailangan pang magtagal.
Kailangan ba niyang lumingon? Kailangan ba niyang tumugon?
Hindi na. Tama na ang kahibangan na ito.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad.
"Tara na!" Laking gulat ni Nyx nang marahang hinila nito ang kamay niya.
Napalingon si Nyx sa mukha ng babae. Ngumiti ito sa kaniya. Mainit ang ngiti niyang iyon, kasing init ng mga palad nitong nakadampi sa kaniyang kanang kamay. It felt new to him.
"Tinapon mo ang kape mo?"
Namula na naman ang pisngi nito. "H-hindi. Nahulog nang 'di sadya."
He finds it cute. Mas importante pa bang hawakan siya kaysa sa kape nitong bitbit?
Lihim na napangiti na lang si Nyx. Ang weird ng babaeng ito.
"Huwag mo sanang masamain. Gusto sana kitang ipakilala kay tita dahil sa nangyari. Huwag mo sana akong tanggihan."
Napatango na lang siya ng ulo.
"As if I have a choice. Hindi ka rin naman nagpapatalo 'di ba?"
Tumaliwas ito ng tingin at namumula na naman ang dalawa nitong pisngi. Binitiwan na rin siya nito sa pagkakahawak na para bang nakakapaso siya.
Sad, he kinda liked it that way.
? ? ? ?
PAGDATING sa silid, nadatnan nilang natutulog pa rin ang tita nito. Inilapag ng dalaga ang mga gamot sa pinakamalapit na mesa.
Nakatingin lang si Nyx sa isang matandang babaeng nakahiga, not more than fifty years old. Ayos na nga ang kalagayan nito. Nakita niyang nakangiti na rin ang kaniyang kasama.
"Kayo lang bang dalawa?" He asked.
Marahang tumango ang babae habang nakatitig sa kaniyang tiyahin na walang malay. "Kami lang . . . "
"I see. . . "
"Hindi makakarating si Papa at si Mama. Baka ilang araw pa ang lilipas bago sila makarating."
"Eh asawa ng tita mo?"
Umiling-iling ito sa kaniya. "Hindi na siya nakapag-asawa, e. Kami lang ang mayroon siya."
Tumango lang si Nyx. Nakaramdam siya ng lungkot sa mga mata nito, kapareha ng lungkot na mayroon siya. No wonder na gano'n na lang ito ka-hysterical.
She's afraid to lose her aunt. Just looking her like that, he wanted to know her more. Hindi niya alam bakit ganito na lang ang concern niya sa babaeng ito, wala namang dala kung 'di.. trouble..
"So ano na pangalan mo?" Bumalik ang wisyo ni Nyx nang wala sa oras..
Sa karami-raming pwedeng itanong, bakit ang pangalan pa niya?
"Why do you need to know?"
"At bakit naman hindi?" Ito na naman, nagsisimula na naman sa nangungulit. Nangugulit habang nakangiti pa.
Nakatingin lang siya kay Cassandra. Malayo sa nakita niya kanina.
"Cassandra name ko."
Ngayon lang niya napansin, hindi pa pala sila nagpapakilala sa isa't isa.
"Promise! Hindi ako tatawa kapag pangit!" Nagsalita ulit kahit wala pa siyang binabanggit.
"Promise! Hindi ko ipagkakalat!"
Nakukulitan si Nyx sa isang 'to. Ayaw makinig sa isang sabihan lang. Napakunot ang noo niya habang excited naman ang kaharap niya sa isasagot niya.
"Promise! Sige na!"
Walang ginawa si Nyx kung 'di ang magbuntong hininga.
? ? ? ?
NAGISING ang tita ni Cassandra. Napatingin sila pareho sa matandang nakahiga sa puting kama.
Napakunot ang noo ni Cassandra nang mapansing hindi nakatingin ang tita niya sa kanya kung 'di sa lalaking kasa-kasama niya ngayon. Nangangapa ang kanyang kaisipan dahil sa kakaibang pagtitig nito sa isang estranghero. Naguguluhan, hindi naman niya nahuhulaan kung ano ang iniisip ng kanyang tiyahin..
"Tita Nimfa, siya ho nga pala ang nagligtas sa atin," pakilala niya.
Walang pangalan. Madamot ang lalaking ito. Masyadong misteryoso. Masyadong seryoso.
Nakangiti ang tita niya kahit nahihirapan, sumilay ang isang matamis na ngiti para sa lalaking ito.
"Nyx" Nasambit ng tita niya.
Mabilis na pumapatak ang mga luha nito sa labis na saya.
Nyx.
Nyx ang pangalan ng estrangherong ito. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra habang palipat-lipat ng tingin. Sa tita niya. Sa lalaking tinawag na Nyx. At pabalik na naman sa tiyahin niyang luhaan.
"Ikaw na nga ba 'to, Nimfa?" Lumapit ang lalaki sa harapan ng higaan at lumuhod doon.
Shocked, Cassandra was frozen. Who the hell was this man? Magkakilala sila. Was this some kind of a joke?
"You promised." Sambit na naman ng tita niya.
Nope.
This was real.
The way she talked, the way he stared back, Cassandra was really confused.
Napanganga si Cassandra sa gulat nang pinatong ng lalaki ang palad nito sa mga palad ng Tita Nimfa niya. Hindi alam kung paano mag-iisip o kung papaano magreact sa isang sitwasyon na ganito.
"A promise is a promise."
Hindi ngumiti si Nyx sa kaniya ni isang beses pero sa harapan ng tita niya, bukod sa hinalikan pa nito sa noo, nginitian pa nito.
"Alam kong tutupad ka sa ating pangako. Alam kong babalikan mo ko, Nyx. Hinawakan ng tiyahin niya ng isa pang palad ang nakapatong na kamay nito. "That's why I never go anywhere. I've waited for you. All these years, I have waited for your return. Ang tagal mong nawala. Sobrang miss na kita."
"Shhh. . . I am here now."
"Hindi mo na ba ako iiwan?" tanong ng tita niya.
Sinusuklay-suklay pa nito ang buhok ng tita niya. "Kung gusto mo, sumama ka na sa 'kin, Nimfa."
Nakaramdam si Cassandra ng panlalambot ng tuhod. At kaunting selos sa sarili. May kung anong kirot ang tumatama sa kaniyang puso. Habang tinitingnan niya ang dalawang ito, pakiwari ni Cassandra ay nawawala na siya sa eksena.
Napalingon siya sa pinakamalapit na pintuan. Gusto niyang lumabas. Gusto niyang huminga. Gusto niyang lumayo
Gusto niyang umiyak . . .