viii. b o n d

1419 Words
STILL couldn't believe what was really happening, Cassandra took a confusing glance with her Aunt Nimfa's brightened face, who was now sitting on her bed. Then she silently look at Nyx, who had the same facial expression with her aunt. Alam niya na priceless ang moment na iyon sa isa't isa. She could feel how much the missed each other, just by looking through their eyes. Para silang may kakaibang bond sa isa't isa. No doubt, they both knew each other. Alam ng bawat isa ang kani-kanilang pangalan. Hindi niya alam ang nangyayari pero isa lang ang masasabi ni Cassandra. Ang pangalan ng lalaking ito ay Nyx. At nando'n lang siya sa may sulok na halos ay hindi pinagkaitan ng liwanag, nakatayo. pinagmamasdan niya ang dalawang may reunion. Habang siya, hindi niya alam kung paano o saan siya lulugar. She had lots of things to articulate -- to ask a lot of questions running through her head-- yet, she was bewildered in silence. ?? ? ? SMALL world. Nyx froze at the sight of her little sister in front of him. Hindi niya bukod-akalain na makikita niya ang kaniyang kinakapatid sa ganitong kalagayan. Mabuti na lang at nailigtas niya ito sa tamang oras. "Are you okay?" nag-aalala siya. Ngumiti sa kaniya sa Cassandra. "Okay lang ako. Kahit kailan, savior ka. Kung hindi ka dumating, baka patay na ako." Who would have thought, na ang kaniyang inaalagaan noon ay tumatanda na sa paglipas ng panahon? He stared at her closely. Madami na itong uban sa mahabang buhok na medyo wavy pa. Halata na rin ang kulubot sa balat ni Nimfa. Nawala na ang pagkabata, pero ang mga mata nito ay hindi pa din natatanggal ang taglay nitong pagkaamo kung makatingin. At isa pa, hindi rin niya aakalain na ang babaeng sinagip niya kanina sa peligro ay ang matagal na niyang gustong makita. She was his beloved sister, not by blood, but by bond. Si Nimfa ay anak ng stepdad niya sa una nitong asawa. At may kakambal itong lalaki. Ibig sabihin, ama ni Cassandra iyon. Gustong magbalik-tanaw ng utak ni Nyx. Those memories haunted him for years. Naalala pa niya ang lahat-lahat ng mga masalimoot na nakaraan. Nasunog ang buong mansiyon nila. Tinulungan niyang makatakas sa sunog ang kambal niyang magkapatid. Pero, hindi lahat ay kaya niyang iligtas. Namatay ang ina niya sa sunog na iyon. After one month, sumunod na rin ang stepdad niya sa kanyang ina dahil sa depresiyon. Pinalayas siya ng mansiyon. At naging palaboy sa daan. Sa isang iglap, nawala sa kanya ang lahat. He was twelve years old back then. Kapag ipipikit ang kaniyang mga mata, bumabalik ang mga salita nila noon. "Ang batang 'yan ang may kasalanan!" sigaw ng isa sa mga tagaro'n. "Nasaksihan ko ang lahat!" "Tama ka! Kailangan natin siyang hulihin at ipapataw sa kanya ang pinakamabigat na kaparusahan sa lahat" "Kamatayan!" Nyx opened his eyes. Ayaw na sana niyang alalahanin pa ang masilimuot na alaala, pero kusang bumabalik sa isipan niya ang kanilang nakaraan. Hinigpitin ni Nyx ang pagkakahawak niya sa mainit na palad ni Nimfa. Marami siyang katanungan kagaya ng bakit hindi man lang ito nakapag-asawa? Bakit mas ginusto nitong magtandang dalaga? "Bakit ang tagal mong dumating?" tanong nito sa kaniya. Bukod sa kaniya, wala nang maalala pa si Nimfa. Mas maigi na ang ganoon kaysa matulad niya ito ng kapalaran. Napakamot si Nyx ng ulo. "Long story. Alam mo naman iyon." Tumango-tango lang ito. "Bakit hindi ka nag-asawa, kapatid? Dapat ay masaya ka na ngayon." Dapat ay nagmahal na ito ng iba. Nawala ang mga ngiti nito sa labi. "Paano ako mag-aasawa kung pakiramdam ko ay may kulang sa akin?" Hindi kumibo si Nyx. Wala ng alaala pa si Nimfa. Tinanggalan ito ng memorya sa nakaraan. Dapat ay nagmahal na ito ng iba at nakapag-asawa. Napatitig si Nyx sa mukha nitong nagtataka na sa kaniyang mga tanungan. Hinihintay pa kaya niya ang immortal na bumihag ng kaniyang puso? Hindi iyon possible. Ganoon mo ba siya kamahal kahit na wala ka nang maalala pa sa lalaking iyon? "Why do you have to suffer too, Nimfa?" he whispered. ? ? ? ? NAKIKIRAMDAM lang si Cassandra. Ang kaniyang mga mata ay malaya pa ring pinagmamasdan ang dalawa. Tahimik na nakamasid si Cassandra, mas pinili niyang umupo sa may gilid ng kwarto. "I can't believe you are still alive after all these years. You haven't changed at all. Akala ko patay ka na pagkatapos no'ng nangyari." Her tifa's face saddened at the very thought. Their past. Sa expression pa lang ng tita niya, alam na ni Cassandra na hindi maganda ang naging nakaraan nilang dalawa. Naguguluhan na siya sa mga nagyayari pero hinahayaan na lamang niya ang dalawang makapag-usap. Baka sa kakapakinig niya ay may malaman pa siyang impormasyon patungkol sa lalaking ito. "I can't believe you are still single." Piningot ng tita niya sa ilong si Nyx habang nakangiti. "Wala, e. Mahirap maghanap, Kuya Nyx. Parang blangko ang puso ko. May hinahanap pero wala naman talaga." "Masyado ka lang nag-iisip. Don't waste your years. Alam mo naman na limited lang ang oras ng mga tao." Tumango-tango ang tita niya. "Manenermon ka ba o mangungumusta, Kuya?" Ayan na naman. Tinawag na naman ng tita na kuya ito. At sinabihan ito ng kapatid ang tita niya. Malayo ba nila itong kamag-anak? Bakit hindi niya ito kilala? Mas lalo yatang sasakit ang ulo ni Cassandra. Pinagmasdan lang niyang pinunasan ni Nyx ang mga luha ng tita niya. Pinagmasdan lang niyang yakapin ng tita niya ang gwapong lalaking kasa-kasama niya. Pinagmasdan lang niya ang dalawa na para bang nakalimutan yatang nando'n siya. She felt a little bit awkward. Napabuntong-hininga. Kay bilis naman yatang kalimutan siya ng sarili niyang tiyahin? Cassandra stood up and walked backwards, heading for the door not far away from her place. "Cassandra?" boses iyon ng tita niya. Sa wakas, napansin din siya! She looked back. Nakatingin na rin ang lalaking ito sa kaniyang gawi. Nakangiti ang tita niya. "Halika ka dito, hija." How could she refuse? Nakangiti ito kahit katatapos lang ng insidente. "Mas maigi na magkaroon kayo ng time sa. isa't isa, Tita. Sa labas lang ako. Kukuha ako ng kape." She lied. "Uunahin mo pa ba ang paborito mong kape kaysa sa tita at kuya mo?" paghihimutok nito. Napabuga siya nang hangin. Hesitantly, she followed her. Nakalimutan yata ng tita na may sugat ang kanyang katawan. Nakalimutan yata nitong bawal siyang gumalaw-galaw pa. Nakalimutan din siyang bigla. Nakasimangot si Cassandra na naglalakad papalapit sa kama. She met his intense gaze, too. Seryoso ang kaniyang tingin. Ni hindi niya kayang ngumiti kagaya ni tita niya. "May gusto sana ako ipakilala sayo," bulalas nito sa kaniya. Ngayon pa talaga, e kanina pa siya nakatayo sa gilid? Tuluyan nang nawalan siya ng gana. "Naalala mo ba 'yong kwentong madalas kong sinasabi sa 'yo bago ka matulog tuwing gabi no'ng bata ka pa?" Hindi pa rin siya umimik. 'Di maiwasang hindi mailang sa paningin ni Nyx, nagpokus na lang si Cassandra sa maaliwalas na mukha ng tita niya. "Ang alin po do'n, Tita? 'Yong anghel na bumaba sa lupa para i-save ang isang maliit na bata sa kapahamakan?" Natatandaan pa niya iyon. Hindi na niya yata mabilang kung ilang beses 'yon kinikuwento ng tita niya. "Oo hija, 'yon nga," bulalas nito. "Bakit niyo po naitanong? Masyado na pong matagal 'yon, Tita. At ano naman po ang koneksiyon do'n sa kanya?" "Kasi hija, totoo ang lahat ng mga 'yon." Tumingin ang Tita Nimfa niya kay Nyx nh makahulugan. "Pasensiya ka na, Kuya. Binibida kita madalas sa pamangkin ko eh." Cassandra arked her brow. Disbelief, hindi niya alam kung nauntog ba sa sahig ang tita niya no'ng kasama niya ang mga magnanakaw kanina. "Tita, kanina ka pa po nagsasabi ng kuya sa lalaking 'yan. Isa lang po kapatid niyo. Si Dad lang. At isa pa, masyado na po malayo ang agwat niyo sa kanya--" Hindi niya kayang tanggapin na magiging kamag-anak niya ang lalaking ito. "Kuya namin siya ng Dad mo Cassandra. Si Kuya Nyx," paliwanag nito. "Pero-" "Hindi mo na dapat sinabi pa Nimfa 'yan lalo na kung hindi ka naman paniniwalan. Mas mabuti ng walang alam para walang mapapahamak at masasaktan." Si Nyx na ang nagsalita at hindi na siya nito pinatapos. Humarap si Cassandra kay Nyx at nagtama na naman ang kanilang mga mata, "Sino ka bang talaga?" Pero, dineadma siya. . . na naman. Hindi halos maipinta ang mukha pa ni Cassandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD