xiv. m i r r o r e d

2037 Words
"Naniniwala ka ba sa mga diyos?" bungad ni Nyx sa babaeng katabi niya. Still, nakaupo pa rin sila sa hagdanan. This conversation is no longer an ordinary one. Para silang na-stuck sa isang sitwasyon ng buhay, iisa ang patutunguhan kahit magkakaibang uri naman. Her words mirrored his life. He sensed her pains, however she spoke those pains as if she could no longer feel them. She had his respect on that one. "Oo naman. I believe In god, the father all mighty, creator of heaven and earth." "You're God. " Tumayo si Nyx sa kaniyang pagkakaupo. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Gods. Olympus. Demigods." "Do you want me to believe that myths such as Olympus, Underworld, at iba pa, really do exist?" bahagyang nanlaki na ang mga mata ng kasama niya. Mahirap mag-explain kapag clueless ang kausap. Subalit mas mahirap magsabi kung nakasanayan nang walang mapagsasabihan. Naninibago si Nyx. "Are you one of them?" tanong ni Cassandra. Mabuti na lang at hindi ito bobong kausap. Tumango siya sa tanong ng kausap niya. "Ako, si Ayden, at si Luke ay magkakauri. Kapatid ko sa ama si Ayden. Si Luke naman, ang tatay niya ay kapatid ng ama namin. Wala namang espesyal. We are a family full of shits. Mas komplikado nga lang kaysa sa mga ordinaryong nilalang, but yeah. . . we exists." Kitang-kita sa mga mata ng babaeng kausap niya ang curiosity sa bawat salita na binibigkas niya. "Eh iyong binabanggit ng pinsan mong si Luke na babae? Iyong Tamara ang pangalan. Is she one of you, too?" Umiling-iling si Nyx. "Katulad mo lang siyang mortal. Asawa siya ni Luke ngayon." Talagang idiniin niya ang katotohanan na iyon. It's been decades. Matagal nang wala sa buhay niya si Tamara. Dapat ay matagal na rin niya itong tinanggap upang mas mabilis ang paghilom ng mga natitirang sugat sa puso niya. "Asawa pala no'ng kupal. Pero parang iba. Parang takot siyang maagawan. Parang gusto niya na siya lang. Hindi ko ma-gets. Kabet ka ba?" Kumunot ang noo ni Nyx sa kaniyang tanong. "Hindi ako kabet. At malayo ka na sa topic natin. Inuna mo pa talagang tanungin ang babae na iyon sa buhay ko? Are you curious if I'm taken or not?" Napatayo si Cassandra sa pagkakaupo sa hagdanan habang napahalumikipkip. "Pakialam ko if taken ka na! Eh 'di magsama kayong dalawa. Kita ko naman sa room na binigay mo noh. Kuwarto iyon ng babae. Hindi naman ako tanga at lalong ayokong magtanga-tangahan. Basta ba kapag magkita kami ng babae mo, ikaw na mag-explain between us. Na walang tayo. Na pinulot mo lang ako. Para hindi siya magselos." Kaagad napansin ni Nyx ang pamumula ng mga pisngi nito. Ang bilis mangamatis kapag ganito na ang usapan. Sa sobrang haba nang mga pinagsasabi nito. ñNapatawa siya nang wala sa oras. "Pinulot?" inulit pa talaga ni Nyx. "Ang tipo mo ay hindi lang basta pinupulot lang." Mas lalong nangamatis si Cassandra sa kaniyang harapan. Hindi pala ito sanay na may nakakapag-appreciate. It felt so weird to be able to met someone who was the same as his. "Uulitin ko pa ba? Ikaw pa lang ang unang bisita ko rito. Iyong room na tinulugan mo, iyon dapat ang kuwarto ng ex-fiance ko. But she died before I got her completely. Hindi na siya nakarating pa sa bahay na ito." Tama, mas mabuti nang isipin na patay na iyon kaysa paulit-ulit niyang maiisip na siya rin ang dahilan nang pagkamatay nito. "Paano siya namatay? I'm so sorry for your lost." "She sacrificed her life for me to live." He answered fast. Hanggang diyan na lang ang pwede niyang i-open up, pagdating kay Tamara. He needed to let go of those guilt. Or else, magiging kutsilyo iyon na sasaksak sa puso niya nang walang warning. "Maghanda ka na. Aalis na tayo rito. This place is no longer safe." Pwede namang mag-teleport na lang sila magmula rito pero baka hindi na kakayanin pa ng katawan ni Cassandra. "Saan tayo pupunta?" tanong na naman nito. Masyadong matanong ang isang 'to. Hindi talaga nawawalan. "Teka, ano naman ang ihahanda ko rito eh wala naman akong mga gamit!" ???? Tuliro si Ayden sa sarili niyang pamamahay. Atras-abante ang mga lakad niya at nagpaikot-ikot pa sa kaniyang sala, sa gilid ng malaking bintana na gawa sa salamin. Nakapagbitiw siya ng impormasyon kay Luke na siyang ikakapapahamak sa mortal na iyon. This wasn't good. Malamang, sa mga oras na 'to, nakasugod na roon si Luke at nakilala na niya si Cassandra. Poor soul, may bago na namang mabibiktima. At lagot siya sa kuya niya ngayon. Napahawak siya sa ulo niya na parang nasobrahan sa pag-iisip. Napaupo sa isang upuan, kaharap ng malaking center table, at katabi ang bintanang daig pa ang giant aquarium sa labis na lapad. Pero ang totoo niyan, ang bahay mismo ni Ayden ay nakatayo sa ilalim ng mismong karagatan. Walang nakakapansin sa bahay niya sapagkat nilagyan din ito ng barrier ng katulad sa kapatid niya. Ang barrier ay gumagawa ng illussions at diversions sa dagat para maitago ito. “Ayden!" malakas na pagkakatawag ng pangalan niya. He turned around and saw Luke's determine face. Halatang kagagaling lang nito sa bahay ng Kuya Nyx niya. "Ano na naman Luke? I give you what you want. Binigay ko na sa 'yo ang lugar ng kuya ko. Isn't that enough? Leave him in peace. Nasa 'yo na ang babaeng mahal niya. She chose you over him." "Everything will never be enough pagdating kay Nyx. I want everything from him." Napangiti si Ayden sa kaniya nang pagak. "Kahit gaano pa kalaki ang obsession mo Luke, hinding-hindi na magbabago ang propesiya. Siya pa rin ang nakatakdang magiging tagapagmana ng ama mo." Tuluyan nang naging seryoso ang mukha ni Luke. "How dare you say that in front of me." Nagpalabas si Luke ng lightning bolt at pinatama ito direkta sa kaniyang dibdib. Sa lakas ng impact na 'yon, tumilapon siya sa kaniyang kinauupuan. Bakit ba kasi naipamana pa nito ang kapangyarihan ng ama? "Wala ka talagang pinagbago, Luke." He stood up at inayos ang sarili. "You can hit me anytime. Huwag lang ang bahay ko." he warned. "Get out in my house." "Tayong lahat ay may kaniya-kaniyang sikreto, Ayden. Yours is as dark as mine. Kaya huwag ka riyan magmalinis. Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi mo na malilinis pa ang sarili mong katauhan. Sa salamin ng kapalaran, pareho lang tayong lahat. But unlike you, I don't hide from my reality. " "Straight to the point, what do you want?" Nawala na ang happy-go-lucky face niya, lalo na kapag hinuhukay ang kaniyang nakaraan. Masakit pa rin ang pagtama ng lightning bolt na iyon, subalit wala siyang balak na patulan pa ang isang 'to. Luke's wicked grin made him more sober. "I want her," mabilis na pagtugon nito. Kumunot ang noo ni Ayden. "You already have her. You won." "Hindi si Tamara ang ibig kong sabihin." Napatigil si Ayden sa pag-analyze nang sinabi nito. “Narinig mo ba sinabi ko sa 'yo, Ayden? I said, I want that woman." “May nakapagsabi na ba sa ‘yo na masyado ka ng hagaman?" mapakla niyang tanong. "Hindi kasama ang babaeng iyon sa mga trip mong wala sa lugar. At isa pa, that woman is not my brother's girlfriend. Nagkakilala lang sila kaninang umaga. I was the one who misinterpreted the whole story. Huwag mo na 'yan pag-aksayahan pa. Sooner or later, ibabalik din ni Kuya Nyx iyan sa mundo ng mga tao, erasing her memories for sure. In short, she is not his asset. Walang halaga. Don't waste your time to a mere mortal who has no value." Tumalikod si Ayden at naglakad papunta sa may bintana. Pinagmasdan niya ang iba't ibang uri ng isda sa dagat. Minsan, nag-iiisip siya patungkol sa mga sireno at sirena na dumadaan minsan sa bintana. Sa kalagitnaan ng dagat, nakakapag-isip siya nang maayos. “For a guy, masyadong kang madaldal, Ayden.” "At masyado ka namang obsess sa mga babae ni Kuya." Nakatingin na rin sa labas si Luke. "Hindi ako obsess. May sarili akong dahilan kung bakit ko kinukuha ang mga babaeng makakasama ni Nyx. He is the key to find her. We both know Tamara doesn’t love me. She’s just under a spell." Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. Isang ngiting makahulugan. “All thanks to you, little cousin.” Guilty. Kahit ano pa man ang pagsisisi niya, siya pa rin ay naging sangkot sa kasalanan ni Luke noon. He made his brother miserable. "Those were just good old days to regret everything, Luke. Helping you is more than a suicide. At hindi ba, iyan din naman ang sinabi mo noon? Na baka si Tamara na ang hinahanap mo? Why change of mind all of a sudden? “Ah, shut up, Ayden. I need your help again.” Ayden scowled. “Leave me alone Luke. Huwag mo na ‘ko idamay sa mga kalokohan mo. Kung ano man ‘yang plano mo, hindi kita tutulungan." Luke laughed bitterly. “Tutulungan mo ako sa ayaw mo o gusto. At makukuha ko ang hinahanap ko gamit ang kakapiranggot na ideya na mayroon ako. If that Cassandra has my answers, then I will have her as soon as possible." "You're insane!" bulalas ni Ayden. "Hindi mo kasi iyan dama dahil ikaw ay isang demigod lang. But a pure god like me who has no access to Olympus is different. Nawala rin ang mga alaala ko kung paano ito nangyari." Napabuntong-hininga na lang si Ayden nang malalim. Hindi niya malaman kung kaaawaan ba niya ito o kamumuhian o pareho. "Alam mo ang sinabi ng propesiya ko. Isa sa mga makakasalamuha ni Nyx ang magiging susi upang malaman ko ang katotohanan. Babae." Eto na naman ang anak ng diyos ng mga diyos. Nagsasasalita na naman na hindi niya naiintindihan. "Tamara is a failure one. Hindi siya ang hinahanap ko. Wala sa kaniya ang gusto kong makuha. Kaya tulungan mo ako ulit. Help me get that woman, and we'll have a bargain that you can't refuse." Tumawa nang ubod ng lakas si Ayden. Umalingawngaw ito sa kabuuan ng silid. "Sa tingin mo ba ay mahuhulog pa ako sa mga luma mong banat, Luke? Get out from here habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Luke tapped his left shoulder. "Alam mo bang buhay pa rin siya hanggang ngayon? I can give her to you, basta magtulungan tayo. Kunin natin si Cassandra sa kuya mo at ibibigay ko sa 'yo ang babaeng matagal mo nang hinahanap." Napatigil si Ayden. "O kung gusto mo, papatayin ko rin iyon para patas na tayo." Pinagalaw ni Ayden ang tubig na nasa flower vase at hinayaan niya itong malaglag at mabuhos sa katawan ni Luke. Nabasa ito, mula ulo hanggang paa. She doesn't deserve his mess. And she deserve a peaceful life, away from him. "Don't you ever touch her!" warning niya. Kahit matagal na silang hindi nagkita, kahit wala man itong maalala sa kaniya, batid ni Ayden na deserve niya iyon. Deserve nito ang isang mundo na hindi siya kasama, kahit gaano pa man iyon kasakit at kapait kay Ayden. Immortals were not perfect. Masuwerte ang mga taong nabubuhay na may limit ang buhay sapagkat mas mabilis nilang natatakasan ang bawat kasalanan at pagdurusa sa sarili. Hindi katulad nila, they lived with their timeless agonies, and no power could ever heal a wounded soul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD