"Kaya mo namang mag-teleport, bakit pa tayo sasakay ng kotse?" tanong ni Cassandra habang nagda-drive si Nyx.
She was in his passenger seat. Natagalan pa sila dahil pinakain pa niya ang babaeng ito ng hapunan. Human, such a fragile body, mabilis lang magutom.
"Ayden already used his powers to you. Kapag uulitin ko iyan, baka manghina ka na lalo o baka madurog na ang mga buto mo sa impact. Hindi sanay ang katawan mo sa gano'n. Safe is better than sorry."
Nagnanakaw si Nyx ng tingin sa babaeng katabi niya ngayon habang nakapokus naman sa pagmamaneho. Natatakpan ng mga makakapal na ulap ang buwan. Walang liwanag. Wala ring nadadaanang streetlights. Walang bahay sa kalsada at mabuti na lang na hindi ito nagfi-freak out nang basta-basta.
"So how rich are you?" pag-iiba nito ng topic. Bukas ang right window ng kotse. Malayang nakakapasok ang malamig na hangin sa loob. Sinasayaw ang mahaba nitong buhok.
"Excuse me?"
"This car is brand new. Ito ang tipong hindi pa nai-ri-release sa market, mayroon ka na. Are you a billionaire? My father can't afford such luxury as this. Mayaman naman kami pero parang tuldok lang kami pagdating sa kayamanan mo."
Hindi siya sumagot. Bukod pa sa matanong ang kasama niya, observant pa.
Maya-maya pa'y huminto ang sinasakyan nila, malapit sa dalampasigan, sa baba ng pampang na kung saan ay nandoon lang din banda ang bahay niya. Naunang nagbukas si Nyx ng pinto at lumabas. Saka niya pinagbuksan ng pinto ng kotse si Cassandra.
"Kailangan nating magbiyahe sa dagat." He explained.
"Paano ang kotse mo? Iiwan mo na lang?" takang pagtatanong nito.
Tinanguhan siya ni Nyx. "Leave it behind. I can buy one when I want."
Nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa labis na pagkagulat. "No damn way! Seryoso kang iiwan mo lang ito? Alam mo ba kung magkano iyan? Para ka lang nag-iwan ng mumurahing laruan! Wala ba sa bokabularyo mo ang pagtitipid?"
"Alangan namang palalanguyin natin iyan sa dagat."
She rolled her eyes over his sarcastic response.
Nagsimula na silang maglakad sa dalampasigan. At dahil wala silang dinala na kahit anong ilaw, hindi na napansin pa ni Casssandra na kusang nabubura ang kanilang footprints sa kanilang likuran. Leaving with no trace is safer than being stupid in the end.
Sa hindi kalayuan ay nakaparada naman ang private yacht na pininturahan ng puti at itim.
"Iyan ang sasakyan natin, hindi iyong kotse." He teased her again. "Kung gusto mo, ikaw ang sumakay at magmaneho sa kotse tapos ako na lang sa yate. Kita na lang tayo sa kabilang isla."
Nagkasalubong ang mga kilay ni Cassandra sa sinabi niya.
Kumuha ito ng mga buhangin sa magkaparehong palad at malakas na hinagis ito kaniya.
"Bwisit ka!" sigaw pa nito. "Kung ikaw na lang kaya ang lunurin ko sa dagat! Ang tino-tino kong kausap. Bwisit!" naninigaw na ito.
Patagong nakatawa si Nyx buhat sa dilim. Namimiss niya ang ganito; ang ingay ng taong nakakusap niya, carefree, may biruan, at pakiramdam na hindi siya nag-iisa.
Walang paalam na kinuha niya ang kamay ni Cassandra at hinawakan iyon. Natameme ang isa sa kaniyang ginawa.
"Hold tight," bulong nito, saka siya umangat at nagpalutang sa ere kasama si Cassandra.
Napansin niya ang mahigpit na pagpulupot ng sarili nito sa kaniyang katawan. She was embracing him too tight, afraid to fall.
"Oh my god! We're floating!" bulalas pa nito. At saka siya tuluyang lumipad papalayo sa dalampasigan.
Busy ang kasama niya sa katotohanan na lumutang sila sa ere papunta sa yate. Habang siya ay hindi makapag-concentrate sa sobrang lapit nila sa isa't isa. He could feel her heartbeats against his. And her breathe, dama niya iyon sa kaniyang leeg. Nalalanghap niya ang unique nitong pabango na pumasok sa ilong niya. His body wanted to hold her for a bit longer.
"Hindi mo naman sinabi na marunong ka pa lang lumipad!"
Ngumisi na si Nyx, itinunton niya ang kaniyang paa sa sasakyang pandagat at doon na lang ibinaling ang atensiyon. "You didn't ask."
Binitiwan na niya ito, stepping back. Ayaw niyang mapansin ni Cassandra ang pagbabago ng heartbeats niya. It felt odd to hear such heartbeats after those miseries. It reminded him that he still existed.
May kung ano'ng binuhay ang babaeng ito sa mundong inakala niyang patay na.
Mistulang bata itong patakbong nilibot ang kabuuan ng yate. Sa sobrang pagka-excite, iniwan siya nito nang walang pasabi.
Napailing-iling siya.
"Cool! Ang yaman mo talaga!" sigaw pa nito sa kabilang dulo. "Is this one of your toys?"
"You can have it," pasimple niyang sagot. Nag-umpisa na ring paandarin ang sinasakyan. Nagiging childish pala ito kapag nakakaramdam ng saya.
Ang kyut tingnan.
"No thanks. Baka mapasama pa ako sa listahan ng mga babae mong dinadala sa ganito tapos bibigyan ng ganito tapos ewan na natin kung ano ang kasunod."
Napataas ang kaliwang kilay ni Nyx sa narinig. "Masyado nang malayo ang iniiisip mo, babae. Hindi ako gano'n." depensa niya sa sarili niya.
"Gwapo. Matalino. Mayaman. Complete package. Pwede na." pang-aasar pa nito lalo at sabay humahikgik.
"Kung ihulog kaya kita sa yate para mahismasan?" He showed his devilish smile.
"Gwapo, matalino, mayaman, at may sayad sa utak! Magtatanda ka sanang binata!" Patakbo itong lumayo sa kaniya.
He laughed so loud on her last words. "I don't grow old. Hihintayin na lang kitang makitang ugud-ugod na."
"s**t! Napaka-bias ng life!"
Narinig pa pala siya nito.
He laughed even harder as she didn't realize that he was a demigod. Hindi pa pala niya nasasabi sa isang ito kung anong uring nilalang siya.
But who cares?
Ngayon lang siya nakatawang muli. Kay tagal na pala. Ang bilis siya nitong patawanin at pagaanin ang loob. Sa isang iglap lang, nakuha ng babaeng ito ang kaniyang atensiyon.
He would do everything to make her safe, at protektahan ang pagiging optimistic nito sa buhay. Her positivities and light aura can save a dying soul like his.
Was this a new kind of healing?