"We're here," paggising pa ni Nyx sa kaniya. Pakurap-kurap pa si Cassandra na nakapokus sa perpektong mukha ng lalaking gumigising sa kaniya.
Mabilis siyang napabalikwas sa pagkakahiga niya sa mahabang silya sa gilid ng yate.
Bukangliwayway pa nang dumaong na ang kanilang sinasakyan sa isang isla. Nakatulog pala si Cassandra sa biyahe kaya hindi niya napansin kung saang direksiyon sila nagtungo, o gaano na ba siya katagal nakatulog.
"Malapit lang ang islang ito roon sa isla na tinirahan ng tita mo. How's your sleep?"
Normal na kinalikot muna niya ang kaniyang mga mata gamit ang sarili niyang mga palad, nangunguha ng mga muta. "Sobrang kulang, pero pwede na. Sa'n dito sa isla ang bahay mo?"
"Ayusin mo na ang sarili mo para makapaglakad na tayo. Malapit lang dito ang bahay ko."
"Sa pagkakaalam ko, wala namang karatig-isla.Nag-iisang island lang ang island kung s’an nakatira si tita. Dahil hindi naman ito madalas dinadayo ay hindi rin ganoon kaunlad ang airport at travel tours. Sa sobrang layo ng isla na iyan, may sarili itong airport at bihira lang ang nagbabarko papunta roon."
Naghikab pa siya pagkatapos niyang mag-explain at matamlay na tumayo para mag-unat-unat nang kaunti. Para pa siyang zombie. Puyat na siya noong isang gabi, puyat na naman siya kagabi.
Hell.
Bakit hindi man lang ito nakaramdam ng pagod?
"Ang bagal mo talaga." He held her again. Binuhat siya nito at walang pasabing lumutang sa ere, papunta sa mga buhangin.
“I own this place.” Nyx revealed as they stood on the sands.
“You mean you own this island?” pagtatama ni Cassandra. Nasanay na siya sa mga impossible. Kaya wala nang ikakagulat pa roon.
Tumango ang kaniyang kausap at nagsimula nang maglakad.
Hindi na niya masukat ang yaman ng isang ito. Na-o-overwhelm pa rin si Cassandra.
The more that she was with this man, the more she realized that the universe was too vast for an ordinary woman like her. Maraming undiscovered myths and secrets. Maraming katotohanan ang hindi pa nabubunyag. At ano na lang ang masasabi ng Science kapag malaman ng mga iyon na may nag-i-exist gaya nila Nyx sa mundong ito?
“If this is your home, e ano naman ‘yong bahay mo kanina? Bahay-bahayan lang?” pagbabalik niya sa topic.
Nagpalinga-linga si Cassandra sa ganda ng kapaligiran. Dumidikit ang mga buhangin sa kaniyang paa na may pinaghalong pink at ginto. Sa bawat pagtama ng araw sa mga ito ay mas lalo itong kumikinang.
Maaliwalas. Fresh air. Maganda ang panahon. May mga maliliit na pawikan pang nadaanan nila, newly hatched eggs. May mga iba't ibang klase ng punong hitik sa mga bunga. At sa gilid ng dalampasigan ay nakatanim ang mga naggagandahang bulaklak na parang nabuhay lang nang kusa.
At sa hindi kalayuan ay matatanaw ang malinis na ilog na niyakap ang dulo nito sa dagat.
This was a paradise.
“Hindi naman sa tambayan lang. Bahay ko rin ‘yon. Pero, dito ako madalas naninirahan. At huwag kang magtaka sa islang ‘to. Wala talaga ‘to sa mapa ng mundo.” Dinig pa niya ang boses ni Nyx na nagpapaliwanag, kahit hindi na siya lumilingon pa.
"Kung may ganito lang ako, I can stay here forever." Hindi pa rin siya tapos sa paghanga sa angking kagandahan sa isla. "Pwede na rin siguro akong maging sindikato, dealer ng drugs o ano, basta magkapera lang at makabili ng ganito."
Nangangarap na naman siya nang gising.
Tumigil si Nyx sa paglalakad sa kaniyang harapan kaya naman ay napahinto rin siya. Laking gulat na lang niya nang humarap si Nyx, towering over her. Napaangat siya ng tingin. At ngayon lang niya napansin kung gaano kaitim ang kulay ng mga mata nito. Napalunok siya ng laway sa seryosong titig nito.
"If you want to stay longer here, you may. Nasa iyo na 'yan if gugustuhin mo."
Nagulantang siya sa imbitasyon na iyon. "Are you sure?"
"Sinabi ko na ang sinabi ko. There is no need for me to repeat it."
Natigilan si Cassandra. Nalulungkot. Imbes masaya siya ay kalungkutan ang namayani sa kaniya ngayon. "Salamat na lang sa offer, Nyx. Pagkatapos ng problema ko, aalis din ako kaagad. Hindi na kita aabalahin pa. Besides, ayokong maging burden mo lang. Ang pinakaayaw ko ay iyong nagiging pabigat ako kasi ayoko ng gano'n."
She stepped back, away from him. Kailangan niyang umatras at baka magkaroon siya ng sapak sa utak at hindi na niya matatanggihan pa ang kakaibang offer nito.
"We both know that you are still waiting for your woman. You still care for her, Nyx. Nakita ko sa kuwarto mo. Buhay na buhay pa rin ang alaala ng ex-finace mo. You keep it clean. Pinilit mong huwag masira ang mga iyon kahit sa tagal na ng panahon. You saved everything because you are waiting for her return. She's not dead, right?"
She smiled bitterly.
Of all topics na mayroon sa utak niya, bakit iyang babae pa ang binuka ng bibig niya?
Fool.
"Alam mo, ang mga babae, ang pinakaayaw nila ay makaramdam sila ng selos o 'di kaya naman ay makaramdam na may competitor sa puso ng mahal nila. Ayokong dumating ang araw na magiging third party ako sa love story niyo."
Mas lalo siyang umatras. May kung anong kirot ang namuno sa puso niya, sa likod ng kaniyang pagngiti.. She barely breathed. Nanlalamig ang mga kamay niya habang pinipilit na huwag ipakita sa kaharap ang kakaibang lungkot na 'yon.
She froze when he stepped forward and held her right hand. Nagtama na naman ang kanilang mga mata.
Something wasn't right. His stare was as gloomy as the night, itself. Kapag titigan pa niya ito nang matagal, mas lalo siyang makakadama ng kalungkutan at depresiyon. Malalim at nalulunod si Cassandra.
Kay lungkot ng dalawang pares ng mga mata, kaparehong-kapareho ng sa kaniya.
"Stay with me," he uttered.
Ibinaba niya ang kaniyang paningin. Kapag tatagalan niya ang pagtitig sa mga mata nito ay baka bigla na lang siyang ma-hypnotize
Sabi nga ng isang 'to, kapag mananatili pa siya sa tabi nito ay wala nang atrasan pa.
Umiling-iling si Cassandra. "Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong maging pabigat."
"Kailan ka ba naging mabigat?" sarkastiko nitong banat. "Kaya nga kitang ihagis ngayon para bumalik ang dating ikaw. You're the positive one. Stick on that one. Huwag kang mag-nega. Hindi bagay sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Cassandra. Hindi pa rin siya nito binitiwan. Pakiramdam niya ay para silang honeymooners sa ambiance ng lugar, nakaka-awkward. Mas lumala pa ang pagka-awkward nang madinig nilang dalawa ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
"Gutom ka na naman?"
Kaagad na namula ang pisngi ni Cassandra sa labis na pagkahiya. "Gutom na naman!" she repeated.
He let her go and they started walking. "Ang dami-dami mong sinasabi, gutom ka naman pala. Kaya naman pala kung ano na 'yang sinasabi mo. Gutom lang iyan."
Damn you!
"Gutom ako pero seryoso ako!" singhal niya. Wala na siyang pakialaam kung nabulabog ang buong isla dahil sa lakas ng boses niya.
"Kumain ka muna sa bahay at saka tayo mag-usap para mas maliwanag ang lahat."
Napangiti sa kaniya si Nyx. Nawala na iyong tensiyon sa kanilang dalawa. Sa hindi kalayuan ay natatanaw na nilang dalawa ang isang white mansion. 'Di hamak na mas malaki pa ito kaysa sa White House ng US.
"Goodluck sa mapapangasawa mo. Sana magkitaan pa kayo sa loob." Hindi pa rin tapos si Cassandra sa topic na iyan.
"Goodluck rin sa magiging husband-to-be mo, mauubos ang laman ng ref." Aba, lumaban.
Neknek niya!
Grabe na ang pang-aasar ng isang 'to. Hindi na nakakatuwa. She kicked his leg and ran way.
Ang bilis pa nang pagtakbo ni Cassandra subalit nabunggo lang siya sa matipuno nitong dibdib nang bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang harapan. Nag-teleport ang loko.
Hinawakan siya nito sa magkabilaang balikat. "Nanadyak ka na pala ngayon ha."
"Excuse me, hindi ka nga nasaktan, e." pagtataray niya para makalusot. "Mas masahol ka pa yata sa bakal. Walang makapanakit sa 'yo."
"You're wrong."
Hinila siya nito sa matipuno nitong dibdib, embracing her. Hindi siya makagalaw sa sobrang shock. They were just there, standing beside the seashore.
"Even monsters have miseries . . . " bulong nito sa kaniyang tainga. "Long lives, eternal agonies. Mas masuwerte ka."
He let her go, became cold, at nagsimula nang maglakad ng walang lingunan pagkatapos sabihin ang mga iyon. Malalim ang bawat salitaan. Ang layo ng mga hugot. But somehow, she could sense his loneliness.
Iniisip ni Cassandra kung mag-stay siya sa kakaibang nilalang nito ay malalaman niya ang buong pagkatao nito.
Would he let her?
She stopped, leaving her behind. A part of her wanting to call out his name, and a part of her too is freaking out to ran away from this mess. Masyado na siyang nag-iisip nang malalim. The more na wala siyang malalaman, the more na mas mabilis siyang makatakas sa mundo nito.
She sighed heavily. Nakakamatay ang curiosity lalo na sa kaniyang kakaibang sitwasyon. Pero ewan ba niya, feeling ni Cassandra ay kusa siyang namamagnet sa taong ito.
"Nyx! Hintayin mo ako!" sigaw niya.
Lihim siyang napangiti nang huminto ito sa paglalakad, lumingon, at hinintay siya na waring inilahad pa nito ang kamay sa ere.