xvii. c o f f e e

2324 Words
Naglakad silang dalawa palapit sa nasabing mansiyon. Sa loob ng dalawang araw, hindi na mabilang pa ang mga impossible at kababalaghan na nasaksihan niya kapag kasama ni Cassandra si Nyx. "Ayaw mo ng malaking bahay?" He suddenly asked, out of nowhere. Napansin nito siguro na kanina pa siya nakatitig sa mala-gusaling laki ng tahanan nito. Umiling-iling si Cassandra. "Gusto ko ng simple lang. Iyong madaling magkitaan sa loob. Iyong mabilis madinig ang boses ko kapag tatawag na ako. At isa pa, nakakapagod maglinis kapag malaki ang bahay mo noh. Diyan talaga ako tamad." Sumilay ang mga ngiti ni Nyx at bumungad ang pantay-pantay nitong mga ngipin. "Gusto mo ng isla pero ayaw mo ng malaking bahay." She rolled her eyes. "Ikaw nga, namili ng kung anu-ano tapos tinatapon na lang. Akala mo mga damit lang iyon na isahang suotan lang." Pinaalala niya ang kotse nitong ewan kung sino na ang nakapulot. Kinumpas ni Nyx ang kamay nito at bigla na lang nagbago ang porma ng bahay. Mula sa malaking mansiyon ay naging simpleng bahay na lang ito na may dalawang palapag. Ang lawak na nasakop ng dating mansiyon kanina ay napalitan ng hardin ng rosas. Nagtubuan lamang ang mga ito at namulaklak pa ng kulay asul at itim. Pareho pa rin ang kulay ng bahay na may pinaghalong kulay puti at itim. Sa second floor ay may balkunahe na kayang tanawin ang kabuuan ng isla. At sa main door ay nakaukit ang kakaibang simbolo na ngayon lang niya nakita. Unbelievable. Minsan, ang sarap mapanganga sa talento at kakayahan ng lalaking ito. Isa lang ang masasabi niya, paborito nito ang kulay itim at puti. "How did you do that?" her curiosity is kicking in. "I own this place. I build this island, depende sa mood at gusto ko. Ang sabi mo you like it small, so i made it smaller. Titira ka riyan nang pansamantala so I want you to feel comfortable living it." Napalingon si Cassandra sa gawi nito." "Ano? Isang creator? Isang mini-diyos?" It was more like a teasing, but his sober face made it more clear. Hindi na niya kailangan pang magsalita o magsabi kung anong klaseng halimaw siya. Napanganga si Cassandra habang ina-analyze ang lahat ng detalye ng lalaking ito; enormous wealth, can teleport, can fly, with exemptional strenght, doesn't grow old, at ang mukha nitong mas higit pa sa perfection ang taglay. "Oh my god!" bulalas niya. "Oh my god! Isa kang descendant ng diyos!" Mas lalong hindi sumagot ang kaniyang kausap na siyang nagpalakas nang kabog ng kaniyang dibdib. This was too unreal. How could such perfect beings were living among them? Totoo ang kaniyang hinala. Nyx is a descendant from heaven. "Huwag mong sabihing gutom lang 'to! Nahuli na kita, Nyx!" tinuro-turo pa niya ito na para bang nakahuli siya ng malaking isda. So, ano'ng klaseng isda siya este diyos? Mas bumuhay ang kaniyang dugo sa nalaman niya. At hindi malayong sina Ayden at Luke ay may dugo rin ng mga diyos. "Is this for real?" Kailangan niyang magtanong at baka kanina pa siya nawalan talaga ng katinuan. "O baka nakahithit lang ako ng droga tapos ito iyong side effects. Kaya lumilipad-lipad tayo kanina." "Don't talk too much." Sa wakas, nagsalita na rin ito. "We have every right to erase your memories." Her heart stopped beating upon hearing those words. "Sabagay, isa lang naman akong ordinaryong nilalang na napadpad sa mundo niyo. Kahit hindi mo buburahin, okay lang, we grow old easily. At kapag gano'n, magiging alaala na lang kami sa inyo, 'di ba?" Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. May punto ang bawat warning nito simula't sapul. Sa tagal kaya ng buhay ni Nyx, maalala pa kaya siya nito pagkatapos nang ilang daang taon? Kapag patay na siya? "When I die, maalala mo kaya na minsan may isang ako na dumaan sa buhay mo, kahit estranghero lang?" Hindi ito sumagot. Ngayon ay alam na niya. Kapag hindi nito kayang sagutin o ayaw niyang managot ng tanong ay idadaan na lamang ni Nyx sa pananahimik. So leave it that way. Sa katulad niyang walang value sa buhay nito, dapat ay hindi na siya nagtanong pa. "Nasaan ang kusina niyo?" pag-iiba niya ng paksa. "May pambabaeng damit at gamit ba rito? May toothbrush? May napkin?" Lihim siyang napatawa at the same time ay nahihiya sa sarili niyang dialogues. "Yes. Yes. And Yes." Kahit paano ay sumagot naman ito habang binubuksan na ang main door. "At may kape." "Tara, kape tayo!" bumanat pa talaga ng isa pa. "Hindi ako mabubuhay ng walang kape." NAGISING SI CASSANDRA na nakalapat ang kaniyang likod sa malambot na kama. Kung ilang oras na ba siyang natutulog? Hindi na niya alam. Ang huling alaala niya ay kumain muna siya sa kusina at humigop ng kape. Kape ang ininom pero dinaig pa niya ang makaubos ng isang bote ng sleeping pills sa sobrang himbing nang pagtulog. She never slept like this before. Nagpalinga-linga pa siya sa bawat sulok ng kuwarto gamit lang ang maliit na liwanag na nanggagaling pa sa bintana. Patay ang ilaw sa kuwarto. Hindi katulad nang nauna, mas manly ito. No flowers. Less furnitures. At sobrang perfect ang arrangement ng mga gamit. Bumaba si Cassandra sa malapad na kama at naramdaman ang lamig ng sahig na yari sa marmol. Nakayapak siyang naglalakad sa pader, hinanap ang switch ng ilaw. Nakasuot na siya ng pajama na may disenyo ng buwan at bituin. Kunot-noong pinagmasdan niya ang kaniyang sarili sa pader na gawa sa salamin. Buhaghag ang buhok, wala ng make-up, may malaki ng eyebags ang mga mata, at halatang kulang na kulang pa rin ang pahinga. She was a total mess. Binuksan niya ang pinto nang dahan-dahan. Kung walang ingay na magagawa ay mas maganda. Maliit na awang pa lang ng pinto ang mayroon at sinilip na niya ang labas ng kuwarto. She couldn't see anything at all as if darkness ruled the entire house. Wala ni isang ilaw ang bukas sa loob ng bahay. Gusto niyang lumabas, magpahangin, at magmuni-muni. But at the same time, gusto niya munang magkape. Hindi nagpatinag sa dilim, she still walked outside the door, and continued walking nang walang atrasan. Walang ingay siyang nadinig, nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad sa hallway. Feeling ni Cassandra ay nagbago ito ng form. Hindi ganito kalawak ang hitsura nito noong huling alaala niya. Kaya bakit parang mas lumawak pa yata ang ground floor? Di bale, wala siya sa second floor kaya malamang ay malapit lang sa kaniya ang labasan. Nakaramdam si Cassandra ng kakaiba nang makadinig siya ng maliliit na yapak sa kaniyang likuran. Humangin pa ng malakas, kahit wala namang nakabukas na kahit ano'ng bintana. Nagtaasan ang balahibo sa kaniyang balat. Nanginginig ang mga kamay ni Cassandra kaya mas minabuti na mas pabilisin ang kaniyang paglalakad. Something was not right. She could feel it. Napatigil siya sa may sala. She held her breathe. Five meters away from her, nakakita siya ng itim na anyo na hindi bababa sa 6ft ang taas. Dahil wala naman gaanong liwanag, tanging ang mga mata nitong kulay pula ang kaniyang naaninag. She stepped back, dahan-dahan lang iyon. Subalit laking gulat niya nang pinagaspas nito ang mga pakpak na kasing kulay ng gabi at gumagaway din ang mahaba nitong buntot. She froze on the sight of a monster . . more like a demon. Paano nangyaring may halimaw sa loob ng bahay ni Nyx? Isa ba itong intruder? Muli siyang umatras, this time her senses told her to run. Ran as fast as she could. At tama nga ang kaniyang hinala, hinabol siya nito. Dinaanan niya ang mga sofa sa sala. Lumipad na ang demonyo at kumakalabog na ang kisame. Lumutang ito sa ere at papunta sa kaniyang gawi. Narinig pa ni Cassandra ang vase na bumagsak sa sahig dulot ng lakas ng hangin at naging sanhi ito ng ingay sa buong lugar. May iilang furnitures ang nasagi at natumba subalit hindi na niya alam kung anu-ano 'yon. She wanted to shout for help, pero ayaw makisama ng boses niya. May isang room siyang nadaanan. Pinilit niyang buksan iyon, but it was locked. She started running away, thinking how to save her precious life. Sobrang bilis nang pagtibok ng puso niya at ayaw na niyang lumingon pa. Basta, ang kailangan niya ay makalayo sa panganib. But it was too late. Kung kailan ay tanaw na niya ang main door, saka siya nito naabutan. Sa bilis ng pangyayari, nakalipad na pala ito sa itaas at hinarangan siya sa may main door, trapping her down. Napaangat si Cassandra ng tingin. Mas minabuti niyang huwag sumigaw o huwag na lang gagalaw at baka mas mapaano pa siya. Matangkad ang demonyo na may mga itim na pakpak. Yellowish ang kaliskis nito na nakapalibot sa buong katawan. May mahaba itong buhok at matatalas na pangil. They were just one meter away from each other, but she felt like she could die anytime. Napangisi pa ito, l*****g its lips as if she was too good to eat. To her fear, Cassandra couldn't move. Alam niyang mas pinatalas pa nito ang mga kuko ng demonyo na balak yatang pugutan siya ng ulo, pero ayaw nang gumalaw ang katawan niya sa sobrang shocked. Someone grabbed her from behind, at sumubsob siya sa matigas nitong dibdib. Napaangat si Cassandra ng tingin at bumungad sa kaniya ang maamong mukha ni Nyx na halatang bagong gising lang din. She held him too close. Teary-eyed pa siyang nakapulupot sa beywang nito. Akala niya ay katapusan na ng buhay niya. Akala niya ay mapugutan na siya ng ulo at makain nang wala sa oras. Sa init ng katawan ni Nyx, doon siya nagpakalma. "I'm sorry," bulong nito sa kaniyang tainga. "You're safe. I promise." He tried to calm her down. Paano ba siya kakalma kung may demonyo nga? Paano siya hindi matatakot kung may ganitong nilalang sa bahay na ito? Tiningnan niya ang gawi ng demonyo. Nandoon pa rin iyon na nakatayo lang. Pinagmasdan silang dalawa. "Jana," tawag ni Nyx sa demonyong ito. "Stop fooling around. She is a guest." Jana? Ina-absorb pa ni Cassandra ang lahat kung bakit may pangalan ang demonyong ito. "Hindi ito oras nang paglalaro at hindi laruan ang babaeng ito. Ayokong maulit pa ang eksenang ganito, Jana. Maliwanag ba?" The demon growled. Magkakilala pala silang dalawa. No wonder nasa loob ng bahay ang demonyong ito. Akala pa naman niya ay kampon ng Luke na iyon. Sana man lang nagbigay ito ng warning kanina, 'di ba? "Go back to your room!" utos pa nito sa demonyo. Nauutusan na pala ang mga demonyo ngayon? "Human." Nadinig ni Cassandra ang boses ng demonyo sa kauna-unahang pagkakataon. It was a voice of a woman. "Lumayo ka kay Nyx. You bring bad luck. I don't like you. At hindi ka maganda." Napataas ang kilay ni Cassandra sa huling linya nito. Hindi raw siya maganda? At least tao siya! At hindi rin niya gusto ito! "Nyx." The demon continued. "Kung sawa ka na sa kaniya, can i have her as a my food? Mukhang hindi naman siya masarap pero pwede nang pagtiyagaan." The nerve. Tumalikod ang demonyong ito at lumipad na palayo sa kanilang dalawa hanggang tuluyan nang naglaho sa dilim. "Damn you!" pagalit pa niyang singhal sa lalaki. She pushed him away. "Akala ko ba safe ang bahay na 'to. Akala ko ba mas safe ito kaysa sa nauna mong bahay! Bakit mas malala yata 'to?!" "Hindi ka niya kakainin. Naninibago lang si Jana," kalmadong sagot nito. Hindi pa kumbinsido si Cassandra. A demon would always be a demon. Nature na nila ang pumatay. "Sa karami-raming pwedeng maging alaga mo, bakit halimaw pa?" She folded her arms against her chest. Tuluyan na ring naglaho ang kaba at takot sa kaniyang sarili. "How can you be so sure na hindi ako kakatayin no'n kapag wala ka?" Napailing-iling si Nyx sa kaniya. "It's up to you kung gusto mong mag-isip ng ganiyan. Jana is harmless." Harmless ba iyong kamuntik na siyang mapugutan ng ulo? Neknek niya! Masama pa rin ang kaniyang loob sa nangyari. "Gusto mo ng kape?" alok nito. Talagang nakakairita na. Tama bang aalukin siya ng sarili niyang kahinaan? Napatigil si Casandra. In just a few days, nalaman kaagad nito ang kaadikan niya sa kape. "Damn you!" singhal niya. Alam ni Cassandra na binabago na nito ang topic, but god! Kape iyan! Kape! How could she resist? "Tara na sa kusina. Ako na ang magtitimpla ng kape mo. Purong kape na walang asukal, right? I can do that." Sumilay ang pilyo nitong mga ngiti. Mas gwapo itong tingnan kapag carefree ang aura, na kabaliktaran sa tulad niyang hina-highblood na. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng excitement habang naglakad papuntang kusina. Magmistula siyang marupok dito. Excited kaya siya dahil sa kape o dahil si Nyx ang magtitimpla ng kaniyang kape?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD