xviii. s i b s

2334 Words
MAGDAMAG SI CASSANDRA na walang matinong tulog. Hindi na siya dinalaw pa ng antok pagkatapos ng eksena kagabi. Pagulong-gulong sa malambot at malawak na kama, sisilip sa bintana, nakikiramdam, at kung anu-ano na ang ginawa niya para lang malibang. Gusto niyang lumabas pero natatakot na siya. Tinubuan yata siya ng phobia. Mabuti na lang at may sariling CR itong kuwarto. Nawalan na kasi siya ng comfortability at inner piece. Paano siya makakatulog kung may demonyo sa loob ng bahay? "Can't sleep?" Napaigting si Cassandra sa pamilyar na boses sa kaniyang likuran. Sakto naman na nakatayo siya, at pasilip-silip sa bintana. She turned around and saw Nyx standing in the shadows. "Pwede kang kumatok. Magkakaroon ako ng heart attack sa 'yo." "Just checking by if you're okay. Pasensiya na sa nangyari kanina. It won't happen again." Nandoon lang siya, nakatayo nang ilang metrong layo sa kaniya. "Okay lang ako. Medyo nagulantang lang. Next time, put her in cage lalo na kung may bisita ka, para wala itong masasaktan." Hindi pa rin kumikilos doon si Nyx na nagkubli sa dilim. "I can't. Magugustuhan mo rin si Jana. She's harmless." Napangiwi siya sa statement nito. Naalala pa lang niya ang mala-halimaw nitong anyo, tumayo agad ang mga balahibo sa kaniyang balat. How could she ever like a demon? "As long as malayo siya sa akin, we're good." Mas malayo iyon sa kaniya, mas safe siya. Nagsimula nang maglakad si Cassandra papunta sa gawi ni Nyx. Sa dami ng mga naganap, wala ni isang sorry o pasasalamat ang binigkas niya sa lalaking ito. She wanted to reach out for his hand, pero pinilit ni Cassandra na pigilan ang kaniyang sarili. She stopped walking. "Oo nga pala," pag-umpisa nitong banat. This time, Nyx took a few steps closer to her. Naaninag na niya nang malinaw ang mukha nito. "Nimfa will be her, too. Nauna ka lang, pero darating din siya. Hindi na safe ang bahay niya kaya dito muna si Nimfa pansamantala. Ikaw din. You stay here for your safety. Sabihin mo lang kung ano'ng kailangan niyo o may problema kayo rito, at tutulungan ko kayo. Feel at home." Napanganga si Cassandra sa labis na gulat. Ang tita niya ay magiging safe na rin, sa wakas. Sa labis na tuwa, mabilis na naglakad si Cassandra papunta sa gawi ni Nyx, at hindi nag-atubaling niyakap niya ito nang ubod ng higpit. Her body pressed against him. Ang init ng katawan nito ang siyang naging dahilan upang mas lalong higpitan ang pagkakayapos niya rito. Nobody cared a lot for her life, until he met this stranger. She had a huge house, but never a home. "Nyx," she whispered. "Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa pagtulong sa tita ko, pero maraming salamat." Mangiyak-ngiyak pa siya sa pagsambit nito. "Huwag kang mabait masyado. Baka hanap-hanapin ko. Baka masanay ako. Ayokong masanay, Nyx. Ayokong masanay sa presensiya mo na kasama ka." She let him go na para bang bigla siyang napaso sa katotohanan. May limitasyon kasi ang lahat ng ito. Hindi ito poreber. Itong taong tumutulong sa kaniya ngayon ay pansamantala lang. Kung hindi man maglalaho ang kaniyang alaala, malamang maglalaho siya sa buhay nito. Mortal siya. Imortal si Nyx. Hindi na magbabago iyon. Pinunas niya ang kaniyang mga luha gamit ang sarili niyang palad. Nakapokus silang dalawa sa tatlong mahihinang katok na nagmula sa labas ng pinto. Si Nyx na ang nagbukas sapagkat ito ang mas malapit doon. "Jana, bakit ka naparito?" tanong nito sa babaeng nakatayo sa labas. Mahahaba ang mga biyas nito. Ang maalon nitong buhok na lampas na sa p***t ay kasingkulay ng gabi. Matangos ang mga ilong, may mapupulang mga labi, at balat-sibuyas pa. Sa sobrang ganda ng nasa harapan ni Nyx, bakit magkasingpangalan nila ng demonyong iyon? "Jana, bakit mo kinakatok ang kuwarto ni Cassandra? May kailangan ka?" Napailing-iling si Jana. "Gusto ko lang siyang kamustahin. Natakot siya sa 'kin kanina, mahal. Kaya mas maigi na i-check ni Jana ang kaniyang kalagayan." Nakunot at napataas ang kilay ni Cassandra sa narinig. Iisa lang ang magandang dilag na 'to at ang demonyo kanina. Pero, mahal? Ano iyan, kasintahan o asawa? Mali talaga ang pagyakap niya sa lalaking ito. Mabuti na lang at hindi sila nahuli. God. Kaya pala tinaboy-taboy na nito si Tamara ay dahil may Jana naman pala ang babaerong ito. No wonder. "Okay lang ako," kaswal pa rin ang boses niya na nakaharap pa rins a demonyeta. 'Huwag ka lang manggulat ulit, o manakot, okay tayo." Dumaan siya sa harapan nilang dalawa at naglakad papunta sa labas ng pinto. "Maiwan ko na muna kayong dalawa. Maghahanap lang ako ng kape." She lied. Ang totoo niyan, gusto niya munang magmuni-muni sa labas. This time, lalabas na talaga siya ng bahay. PAGKATAPOS PINAGMASDAN nina Nyx at Jana ang pagwalk-out ni Cassandra sa may hallway, napasulyap si Nyx kay Jana na wari’y inosenti lang sa naganap. He looked at her like as if he was trying to ask something about what had just happened. “What?” she said innocently, na nabasa kaagad nito kung ano ang ibig sabihin ng itsura niya. He went silent. “Don’t look at me like that, my dear brother. It was just a joke, okay? You know how I hate humans, pero that woman is exemptional. Iyan ang gusto mo, e. ” she paused, tinitimbang ang expression ni Nyx kung naniniwala ba siya o hindi sa sinasabi nito. Pero mukha yatang kulang pa ang explanations nito para baguhin ang seryosong facial expression ni Nyx. “What? You don’t believe me, are you?" daldal na naman ng kaniyang kinakapatid. "At bakit ba kasi may mga tao sa lugar natin ha, kuya? Ayoko sa kanila. Kapahamakan at g**o lang ang bitbit ng mga yan sa atin. These past few days, hindi na kita maintindihan. Tapos, wala ka na rin time sa akin. Lagi mo kasama ‘yong babaeng ‘yon, 'di ba? Lagi mong kasama. Tapos ako itong ipadala mo pa sa hospital para ayusin ang papers ng matanda! ” pagrereklamo nito. “Jana,” Nys said called her name. He talked with a calm voice. He never shouted at her kahit na medyo isip-bata si Jana at spoiled sa kaniya. “Hindi ba matagal na natin ‘yang kasunduan na mag-aanyong tao ka tuwing humaharap sa mga tao? What happened?” She pouted her lips, nagpapacute-effect sa harapan niya at nagbabasakaling magbago ang mood ni Nyx. “I didn’t mean it. Alam mo naman naka-demonic form ako tuwing natutulog eh. Narinig kong may naglalakad sa hallway. Akala ko intruder, so I got up and found her here.” She explained. "Hindi ko talaga sinasadya, kuya." “Kuya? Pero kanina ang tawag mo sa akin, mahal,” pailing-iling pa si Nyx. He gave her a look of disappointment. "Bakit mo naman iyon ginawa?" Halatang may guilt sa itsura ng kaniyang kaharap. Hindi makatingin nang direkta. Namula ang mga pisngi nito sa kaunting hiya. “Because I don’t like her a bit," walang kagatol-gatol nitong sagot. Na-curious si Nyx sa kakaibang kilos ng kinakapatid niya. "Bakit naman? Wala naman siyang ginawa sa 'yo? What makes you so upset?" "Eh kasi, nakakainis isipin na pinag-aaksayahan mo siya ng panahon!Nakakalimutan mo na yatang mayr’on kang kinakapatid na kailangan mong alagaan. Minsan talaga nakakainis ka kuya na mag-isip! You don’t even remember me here. Tapos pinaalaga mo pa sa ‘kin ‘yong matandang ‘yon. Ewan ko kung ano ang nakain mo at dinala mo pa siya rito. Hay naku, kuya! kailan ka pa nakakita ng isang napakaganda at napaka-sexy na demonyo na utus-utusan lang? Ayaw ko ngang magsalita at baka ako na naman ang mali sa bandang huli.” Stunned by her direct words, tanging si Jana lang ang nakapagsasalita sa kanya nang ganito. Sobrang open ito sa nararamdaman. They were completely opposite and yet they seemed attached to one another. They were not really siblings. He was more like a father than a brother to her. Batang bata pa lang si Jana noon nang magkakilala sila. He found her under a bridge. She was like a gift or a pet, na binigay ng sarili niyang ama. Hindi niya pa naitanong kung bakit inutusan siya ni Hades na alagaan ang demonyong ito. Pero, ganoon pa man, mapamahal na ni Nyx si Jana. “Kailan mo ba siya paaalisin dito kuya? Hindi naman kasi ako sanay sa mga tao, e Alam mo namang daig ko pa ang may allergy sa mga ‘yan. Sige ka! Pag ako magutom, baka hindi ko sila matintaya!” pananakot pa nito. “Don’t be too childish, Jana. Bisita ko siya rito. Treat her nice, for me." Nasobrahan na ang kaniyang kinakapatid. "We both know you don’t eat humans.” “Ah basta! Ayoko! Period!” pagmamatigas nito. Halata naman si Nyx na nagseselos si Jana. “Pansamatala lang ito. Don’ worry, ‘pag maayos na ang lahat, everything will be back to normal.” Akala ni Nyx na ngingiti na si Jana dahil sa sinabi niya. Madalas naman ay gano'n. Pero parang walang epekto. Nakasalubong pa rin ang mga kilay ni Jana habang naka-cross pa ang mga braso sa may dibdib nito. “I don’t believe you,” she said, still pouting her lips. “At bakit naman?” “Because I don’t trust your eyes. I don’t like the way you look at her. Ayoko iyong mga titig mo sa mortal na iyon. Ayoko kung paano ka mag-alala roon. Talagang hindi ko gusto! Sana mawala na sila kaagad dito. Ayoko ng kahati sa buhay ng kuya ko." Hindi makapaniwala si Nyx sa binanat ni Jana. Binigyan na ba niya ng puwang sa mundo niya ang babaeng iyon? “I don’t wanna talk to you anymore. Wala ka na naman sa sarili. Parang hindi mo na ‘ko, pinapakinggan, e! Matutulog na ako at may matanda pa naman akong aalagaan. Kung hindi lang dahil sa pakiusap mo, hindi ko naman talaga ‘to gagawin. Alam mo bang bumaba ang level ko sa pagiging demonyo sa pinaggagawa mo?” She went inside and shut the door. Sa sobrang lakas ng pagsarado nito, walang magawa si Nyx kung ‘di titigan ang isang kahoy na pintuan na may kakaibang Greek cavings,“Don’t ever think of opening this door! Bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight!” Naiwan si Nyx sa loob ng kuwarto. Masyado na ba siyang na-attach sa babaeng iyon? Totoo bang nagbago siya? CASSANDRA WAS still on the beach. She could feel the cold breeze of the dawn air but it was her heart that she’d felt even colder. Ramdam ang pagkainis sobrang pagkainis niya kay Nyx dahil sa nangyari kanina, pakiramdam niya ay kailangan niya talagang dumistansiya sa kanilang dalawa. Siguro nga makakabuti ang pag-alis nila sa islang ‘to at paglayo sa kanya nang tuluyan. Napabuntong-hininga si Cassandra. Kanina pa siya nag-eemo effect sa buhangin, pero wala siyang pakialam. Total, nag-iisa lang naman siya sa lugar na ‘yun. She had doubt na hahanapin pa siya ni Nyx at this kind of hour, lalo na after niya mag-walked out sa harapan kanina nila Jana. Siya pa ‘yung natakot, siya pa ‘yung ininsulto, at siya pa din ang nagwalked-out! What a damn life! After all, Nyx had Jana already. Ano ba silbi niya? Isang malaking extra lang. Nakaupo sa malaking bato, patuloy na pinagmamasdan ni Cassandra ang ganda at kapayapaan ng karagatan. Mas maganda pa ngayon ang natatanaw niya kaysa sa isla kung saan nakatira ang tita niya. Weird, kahit madaling araw pa lang, kitang kita pa din ni Cassandra ang ganda ng alon sa dalampasigan. Parang bata na excited tumapak sa tubig, naglakad-lakad siya sa mga alon na nagbigay ng bahagyang kiliti sa kanyang mga binti. Hinubad niya ang suot-suot niyang mga tsinelas at binitbit na lang ang mga ito habang naglalakad sa tubigan. Pakiramdam niya,narerelax siya. Nakakawala ng stress. Nakakatanggal ng bigat sa pakiramdam. Pero nagimbal ang kanyang pagmuni-muni nang marinig niya ang mga naggagandahang mga boses na wari’y kumakanta kasabay ang pag-ihip ng hangin. Parang mga boses na nasa orchestra, nakakabighaning pakinggan. Gustong malaman ni Cassandra kung saan nanggagaling ang mga boses na ‘yun. Sinundan niya ang mga himig hanggang sa napagtanto niyang nasa kabilang dako lang pala ng malaking bato na nasa harapan niya mismo. Punong punong ng curiosity, hindi na talaga siya makatiis, dahan-dahan niyang sinilip malaking bato ang kabilang parte ng dalampasigan nang patago. Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nadiskubre. Three beautiful mermaids were sitting on a rock. Akala niya myths na lang ang mga mermaids ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga nakikita. Manghang-mangha si Cassandra. Totoo ngang magaganda ang mga boses nila pati ‘itsura. Tatlong nagkakagandahang mga sirena ang nasa kanyang harapan ngayon. Sabagay, mayr’on ngang demigods, may demonyo na din, malamang totoo din ang mga mermaids na ‘to, or else, she might call herself insane. Or telling herself, that she was starting to fall in love to Nyx, a demigod who had no feelings for her. This was quite insane too. How did she fall to a stranger like him? Sa sobrang pakikinig ni Cassandra sa mga sirenang kumakanta, hindi na niya namamalayan na naglalakad na siya papalapit sa mga ‘to. Saka lang niya narealized na, hindi niya kontrolado ang kanyang mga paa kahit ilang beses pa niyang inisip na bumalik sa dati niyang pinagtataguan at tumakbo. Pinilit niyang maglakad pabalik, pero sadyang hindi sumusunod ang sarili niyang katawan. As if someone was controlling her own body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD