HINDI napigil ni Ellie ang emosyon nang paglingon niya sa kanyang likuran ay nakatayo roon si Zyrus, buong-buo at walang ano mang galos sa katawan. Nanginginig ang kamay na kinapa niya ang dibdib nitong walang saplot. Wala ni kaunting bakas ng sugat doon. Tanging itim na boxer lamang ang suot nito. Wala itong sapin sa mga paa. Pagkuwa’y hinaplos niya ang makinis nitong pisngi. Hindi siya makapaniwala, sa lubha ng pinsala ng katawan nito noong huli niyang makita ay hindi niya akalaing buong-buo ito ulit na parang walang nangyari. “Sabihin mo sa akin, saan ang panaginip, ang nagaganap ngayon o ang naganap noon?” nalilitong tanong niya. Pinahid ng kamay nito ang luha sa kanyang pisngi. “If ever it was a dream, Ellie, I don’t wanna wake up. I want to stay beside you for my entire life. I won
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books