NANGINGINIG ang kamay ni Ellie na tinanggap ang bumaklak pati ang pulang kahon na binibigay ni Zyrus. Walang masyadong arte ang proposal nito, instant. Nasabik siyang buksan ang kahon. Namangha siya sa nakikitang singsing na may block diamond sa tuktok. Ganoon na lang ang agarang paglandas ng luha sa kanyang magkabilang pisngi—luha na udyok ng hindi maipaliwanag na galak. “Z-Zyrus…” walang puwang na bigkas niya habang nakatitig sa binata. “Ellie Valler, will you marry me?” masuyong tanong nito, na lalong nagpangatog sa tuhod niya. “Yes, I do! This is what I’m waiting for, Zyrus. I love you!” tugon niya at bigla na lang niyakap ang binata. Ikinulong naman siya nito sa mga bisig nito. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito habang humahagulhol ng iyak. “I love you too, Ellie,” bulong nit