NAIILANG kumilos si Ellie sa bahay ni Zyrus dahil sa presensiya ni Leandro. Kung wala lang si Elias ay baka napanisan na siya ng laway. Natatakot siyang kausapin si Leandro dahil tingin pa lang nito ay kinikilabutan na siya. Kung tutuusin ay guwapo ito, pero hindi lang niya maintindihan bakit ilag siya rito. Katatapos lang ng kasal nila ni Zyrus pero sa umaga lang sila nagkikita ng kanyang asawa. Pero isang himala na umuwi ito kinagabihan ng Linggo at pinasalubungan siya ng isang basket na iba’t-ibang uri ng prutas at isang punpon ng pulang rosas. “Akala ko ba ikaw ang naglilihi?” nakangiting bungad niya sa asawa matapos maghinang ang kanilang mga labi. “Kailangan mo ring kumain ng prutas,” anito, habang unti-unting hinuhubad ang mga saplot sa katawan. “Bakit pala umuwi ka ngayon?” “N